Friday, July 19, 2019

Tagalog News: Grupo ng mga magsasaka itinakwil ang teroristang CPP-NPA sa Agusan del Norte

From the Philippine Information Agency (Jul 19, 2019): Tagalog News: Grupo ng mga magsasaka itinakwil ang teroristang CPP-NPA sa Agusan del Norte



BAYAN NG BUENAVISTA, Agusan del Norte, Hulyo 19 (PIA) -- Mahigit 100 miyembro ng Unyon ng Mag-uuma sa Agusan del Norte o UMAN ang nagkaisang itakwil ang CPP-NPA terrorists o CNT sa kanilang lugar. Ang UMAN ay isang grupo ng mga magsasaka na sumusuporta sa mga CPP-NPA kung saan ang pagrerecruit ng mga magsasaka ang pangunahing pinagkukuhaan ng kanilang lakas, pera at logistics at papangakuhang bibigyan ng lupang sasakahin.

Sa ginawang peace consultation dialogue ng 23rd Infantry Masigasig Battalion ng Philippine Army na pinangunahan ng commanding officer na si Lt. Col. Francisco Molina, nanumpa ang mga magsasaka na itakwil ang mga CPP-NPA at maging loyal sa gobyerno.

Ayon kay alias Joseph, kung alam lang nila ang totoong layunin ng UMAN, hindi na sana sila sasama sa kilusang ito.



Ang mga magsasaka ay nangakong magbabago at gagawin ang lahat sa pamamagitan ng programang binigay sa kanila nga gobyerno.

Ipinaliwanag din ni Lola Agnes, isang dating rebelde, sa mga magsasaka ang mga ginawang panlilinlang at tactics ng mga teroristang grupo sa kanila.

"Hangga't may armado sa lugar ninyo, hindi kayo uunlad. Kung talagang para sa bayan pinaglalaban ng mga NPA, bakit nila sinisira ang mga tulay at gusali na itinayo ng gobyerno? Bakit sa loob ng 50 taon wala silang naitayong paaralan, tulay, kalsada, health centers o kahit mamigay man lang ng mga gamot," dagdag pa ni Lola Agnes.

Featured Image

Matatandaang kamakailan lang ay may mahigit 200 na mga magsasaka ang naunang tumakwil sa teroristang grupo sa probinsya ng Agusan del Norte. (NCLM/PIA-Agusan del Norte)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.