From the Philippine Information Agency (Jul 24, 2019): Tagalog News: Dating NPA lider, may malaking tiwala sa administrasyong Duterte
PAGADIAN CITY - - Isang dating lider ng New Peoples’ Army na nagbalik loob sa gobyerno ang nagpatotoong ang pag resolba sa insurgency ay hindi nakukuha sa giyera, kundi sa pakikipag dayalogo.
Si alyas Jackie ay labing limang taong naging aktibong kasapi ng NPA at minsan na ring naging lider ng grupo. Ayon sa kanya, kumalas sya sa grupo dahil naramdaman n’yang walang patutunguhan ang kanilang pinaglalaban na akala nya noong una ay para sa tunay na pagbabago.
Aniya, sa administrasyong Duterte lamang niya naramdaman ang sinseridad na matulungan ang mga kagaya n’yang rebel returnee at ngayon isa na syang aktibong partner ng gobyerno laban sa insurgency. Kasalukuyang presidente sya ng Peace Incorporated-Western Mindanao , isang national organization ng mga FRs o former rebels.
Aniya, patuloy nilang tinatamasa ang tamis ng tulong mula sa gobyerno gaya ng mga skills training hatid ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at scholarship benefits ng Department of Education (DepEd).
Panawagan nya sa mga dating kasamahan na magbagong buhay na at magbalik loob sa mainstream government dahil aniya nandito na ang tunay na pagbabago sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
Ayon kay alias Jackie “dili masulbad ang insurgency pinaagi sa gubat, kundi sa panag sabut-sabut. Kung unsa man ang hinaing nato, E.O. 70 na ang tubag.” (Hindi malulutas ang insurgency sa pamamagitan ng digmaan, kundi sa pakikipag dayalogo. Kung ano man ang ating hinaing, EO 70 na ang sagot).
Nakapaloob sa EO 70 ang pagtuon sa pinakaugat na dahilan ng insurhensya sa pamamagitan ng convergence at pagsasaayos ng paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at social development packages ng gobyerno, pag facilitate sa societal inclusivity at ang pagtiyak sa aktibong partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan.
Nakasaad din sa EO 70 ang paglikha ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pinangungunahan ni mismong Presidente Rodrigo Roa Duterte. (ALT/JPA-PIA9/Zamboanga del Sur)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.