Saturday, July 6, 2019

CPP/NPA-Bicol Region: Hinggil sa sunud-sunod na pamamasalang sa bayan ng Caramoan

NPA-Bicol Region propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 6, 2019): Hinggil sa sunud-sunod na pamamasalang sa bayan ng Caramoan

NEW PEOPLE'S ARMY
RAYMUNDO BUENFUERZA
NPA-BICOL REGION (ROMULO JALLORES COMMAND)
JULY 06, 2019
Mariing kinukundena ng Romullo Jallores Command ang pamamaril ng mga ahente ng estado sa dating kapitan ng Brgy. Antolon, Caramoan na si Albert Caballero Villarete noong ika-2 ng Hulyo habang nagmamaneho ng motorsiklo patungong Brgy. Sta. Cruz, Caramoan. Ayon sa mga saksi, nakilala ang suspek na si Sandy Santileses residente ng Brgy. Poloan, Caramoan. Si Santileses ay miyembro ng yunit ng CAFGU na hawak ng 83rd IBPA. Si Santileses din ang suspek sa pagpatay sa sibilyang si Manuel Nases residente ng bayan ng Caramoan, noong Setyembre 2017.

Ang naturang krimen ay naganap matapos ang pananalakay ng militar sa isang yunit ng Tomas Pilapil Command-BHB East Camarines Sur kung saan nabilang sa napatay si Norberto ‘Ka Obet’ Balcueva na residente rin ng Brgy. Antolon. Batay sa awtopsiya sa bangkay, liban sa tama ng bala, nagtamo si Ka Obet ng mga tama sa katawan at marka ng pagbali sa buto. Dahil dito, binabalak ng magsagawa ng isang fact finding mission hinggil sa kaso ng panonortyur at desekrasyon sa bangkay ni Ka Obet.

Tinarget ng militar si Villarete dahil sa progresibong rekord nito at dahil kababaryo nito si Ka Obet. Malaki ang pisibilidad na lumahok din ito sa fact finding mission. Ang biktimang si Villarete ay kilala sa kanyang mga progresibong tindig at may kasaysayan ng paglahok sa mga anti-pasistang pagkilos. Siya ang tumayong lider ng binuong alyansa laban sa militarisasyon sa kanilang bayan noong 2014.

Upang pagtakpan ang kanilang mga krimen. Nagmamadali ang militar na patahimikin ang mga indibidwal at organisasyong maaaring magsiwalat sa katotohanan sa publiko. Dahil nailalagay sa depensibang pusisyon ang militar at pulis bunsod ng sunud-sunod na kaso nila ng pamamaslang, pinalalaganap nila ang kasinungalingang ang rebolusyonaryong kilusan ang nasa likod ng mga karumal-dumal na pamamaslang.

Nananawagan ang RJC-Bikol sa lahat ng mga progresibong organisasyon, kagawad ng midya, taong-simbahan, upisyal ng lokal na gubyerno, propesyunal at iba pang sektor na kagyat magsagawa ng mga fact finding mission hinggil sa magkasunud-sunod na paglabag sa karapatang-tao sa bayan ng Caramoan. Dapat kagyat na ilantad sa publiko at mapigilan ang mga nakahilera pang pananalakay ng militar sa mga residente ng naturang bayan at iba pang bahagi ng rehiyon. Dapat singilin at panagutin ang militar at pulis sa pagtarget nila sa mga sibilyan at sa kanilang krimen laban sa mamamayan.

https://www.philippinerevolution.info/statement/hinggil-sa-sunud-sunod-na-pamamasalang-sa-bayan-ng-caramoan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.