Ipinapaliwanag ni Juvy Tepico ng DILG, ang kahalagahan ng pagdedeklara sa mga CNTs bilang persona non-grata sa lalawigan. (Voltaire N. Dequina)
MAMBURAO, Occidental Mindoro — Mahalaga na maideklarang persona non-grata ang mga Communist New People’s Army Terrorists (CNTs) sa buong lalawigan, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), sa ginanap na pulong ng Provincial Peace and Advisory Council (PPOC) kamakailan.
Sinabi ni Juvilyn Tepico ng DILG, magiging daan ang deklarasyon upang ipaabot sa mga mamamayan na hindi dapat kupkupin at suportahan ang mga CNTs.
“Iwinawaksi natin ang mga CNTs,” saad ni Tepico, dahil aniya’y banta ang mga ito sa kaayusan, katahimikan at kaunlaran ng lalawigan.
Higit itong ipinaliwanag ni Jonathan Sevilla, isang namumuhunan sa San Jose at kinatawan ng business sector sa Provincial Advisory Council (PAC).
Aniya, isang halimbawa ng pagmamalabis ng CNT ay ang pangungulekta ng revolutionary tax sa mga negosyante at ilang contractors.
“Sa PAC, may ulat na sinunog nila (CNTs) ang ilang construction equipment dahil hindi nagbigay ang contractor.
Ang iba naman nakakatanggap ng death threats,” ayon pa kay Sevilla. Dagdag pa nito, dahil sa ganitong gawain ng mga CNTs, nasasakripsiyo ang mga proyekto ng pamahalaan.
Ayon naman kay Tepico hindi lamang mga negosyante at contractor ang napeperwisyo ng mga CNT,
“Pinagsasamantalahan din ng mga ito ang mga katutubo nating di kayang ipaglaban ang kanilang sarili", dagdag ni Tepico.
Aniya, sa ulat ng Philippine Army (PA) sa nakaraang pulong ng PPOC, kadalasang nare-recruit ang mga katutubo (IPs) dahil sa pananakot o maling paliwanag tungkol sa ancestral domain at agrarian revolution.
Paglilinaw pa ni Tepico, sa pamamagitan ng resolusyon ng isang munisipyo, na dinedeklarang persona non-grata ang mga CNTs sa kanilang bayan, mapapadali ang ugnayan ng lokal na pamunuan at mga ahensya, lalo na sa pagdadala ng tamang impormasyon at tulong ng pamahalaan sa kanayunan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.