Monday, May 6, 2019

Tagalog News: Ex-NPAs, hinimok ang mga aktibong rebelde na sumuko na

From the Philippine Information Agency (May 6, 2019): Tagalog News: Ex-NPAs, hinimok ang mga aktibong rebelde na sumuko na



Tribal Filipino Program in Surigao del Sur o TRIFPSS na eskwelahan sa Km. 9, Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur na hindi akreditado sa Department of Education. (PIA-Caraga)

LUNGSOD NG BUTUAN -- Hinikayat ngayon ng mga dating miyembro ng rebeldeng grupo na New People’s Army o NPA na magbalik-loob na ang ilan pang nagpaiwang aktibo sa pagpapalaganap ng maling idelohiya laban sa pamahalaan.

Pinatunayan ni Edward Gultia, labinsiyam na taon na nagsilbi dati bilang guro sa institusyong TRIFPSS o Tribal Filipino Program in Surigao del Sur, na ang nasabing paaralan ay pinamumunuan umano ng NPA at hindi akreditado ng Department of Education o DepEd.

“Ang itinuturong iligal doon sa kabundukan ay siya ring itinuturo namin sa TRIFPSS, kung saan ang mga mag-aaral ay tinututuruang mamulat na may galit sa gobyerno,” sabi ni Gultia.


Ibinahagi naman ni Sonny Boy Acebedo, dating estudyante ng TRIFPSS na bini-brain wash sila ng NPA sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng maling impormasyon tungkol sa gobyerno, at sa murang edad ay tinuturuan na umano sila sa paghawak at pagkamit ng baril upang labanan ang gobyerno.

“Noong Grade three pa lang ako pagpasok ko sa TRIFPSS nagtaka ako bakit iba ang itinuturo nila. Tinuturuan nila kami na magalit sa gobyerno. Kapag wala naman kaming pasok tinuturuan kami ng mga NPA kung paano humawak ng baril,” sabi ni Acebedo.

Ayon naman kay Datu Jomar “Nahikyad” Bocales, municipal tribal chieftain ng Lianga, Surigao del Sur, ang mga doctrinang itinuturo ng TRIFPSS at ALCADEV o Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development ay taliwas sa gawain ng demokrasyang pamahalaan kung saan ang mga mag-aaral ay hinihimok umano na sumali sa teroristang grupo ng npa. Ito’y kinumpirma rin umano ng kanyang kontak sa loob ng kilusang NPA.

Sinabi naman ni Datu Rico Maca, Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR ng munisipyo ng San Miguel, Surigao del Sur, na pinipigilan umano ng mga NPA na namumuno ng TRIFPSS at ALCADEV na maimplementa sa kanilang lugar ang Indigenous Peoples Education o IPED curriculum framework ng DepEd.

“Nakita natin ang koneksyon ng NPA at TRIFPSS. Kaya pinapatay nila ang mga datu na sumuporta sa IPED,” sabi ni Maca.

Umaasa ang mga former rebel na gawin din ng mga aktibong NPA na itama ang rebolusyunaryong pakikibaka nang sa ganun ay magkaroon ng pagkakataong mamuhay ng normal at maayos sa kani-kanilang komunidad.

https://pia.gov.ph/news/articles/1021643

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.