Sunday, February 17, 2019

WESTMINCOM: 2 biktima ng ambush naligtas ng tropa

Posted to the Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Website (Feb 18, 2019): 2 biktima ng ambush naligtas ng tropa



Isang madugong araw ng mga puso ang sumalubong sa pamilya ni Nasrodin Mangilay Talib, 39 anyos, at sa kapatid nitong si Alabama Mangilay Talib, 49 anyos, mga residente ng Purok Singko, Barangay Tunganon, Carmen North Cotabato, alas-siete ng gabi, ika-14 ng Pebrero, 2019.

Habang pauwi ang dalawa, sakay ng motorsiklo, ay tinambangan at binaril sila ng humigit kumulang na limang armadong suspek. Nagtamo sila ng mga kritikal na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos humupa ang putukan, agarang sinaklolohan ng Detachment Commander ng Barangay Tonganon ang mga biktima at binigyan ng paunang lunas.

Dumating naman ang isang squad mula sa 7th Infantry Battalion para alamin ang lagay ng sitwasyon. Kalaunan, personal na dinala ng tropa ang dalawang sugatang biktima sa Amas Provincial Hospital.

http://www.westmincom.com/2-biktima-ng-ambush-naligtas-ng-tropa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.