From the Philippine Information Agency (Jan 7, 2019): Tagalog News: Mga sundalo at MNLF leaders, nagsama-sama sa isang palaro
IPIL, Zamboanga Sibugay - - Sa unang pagkakataon ay nagtipon-tipon ang 102nd Brigade Troopers at mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MNLF) sa bayan ng Ipil, probinsya ng Zamboanga Sibugay.
Masaya ang mga lumahok sa Flag Raising Contest, Tug-of-War at Basketball na ilan lamang sa mga friendly games na ginanap.
Bunga ng sama-samang pagsisikap, ang ideya ng pagpupulong na ang tanging layunin ay isulong ang pakikipagkaibigan sa mga Kristiyano, Muslim at iba pang relihiyon.
Kalimutan ang nakaraang alitan, at bigyang-diin ang pagkakaisa, ang hatid ng pagpupulong.
Marami ang umaasa na sana tuloy-tuloy na ang nasimulang magandang relasyon ng mga sundalo at MNLF.
Ayon kay Colonel Bagnus P. Gaerlan, Jr., brigade commander ng 102nd Infantry Brigade, “Peace can’t be achieved by force, it can only be achieved by understanding.” (Ang kapayapaan ay hindi makakamit sa marahas na paraan. Makakamit lamang ito sa pamamagitan ng pag-unawa at pagkakaisa.
Aniya, sisikapin ng pamunuan ng 102nd Infantry Brigade na ang ganitong aktibidad ay maging taunang pagdiriwang. Hangarin ng mga sundalo na dumami pa ang mga dating rebelde na bumalik na sa gobyerno nang sa gayon ay magkaroon sila ng normal at mapayapang buhay sa piling ng kanilang mga pamilya.
Ang “Dual Meet for Peace” ay isa lamang sa mga peacebuilding activities ng brigade troopers sa bayan ng Ipil, probinsya ng Zamboanga Sibugay.
https://pia.gov.ph/news/articles/1016753
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.