From the Philippine Information Agency (Jan 7, 2019): Tagalog News: 19 na miyembro ng NPA sumuko sa 401st Brigade, Philippine Army
PROSPERIDAD, Agusan del Sur - Isang buong unit ng Communist Party of the Philippines – New People’s army (CPP-NPA) Guerilla Front 3, Southern Mindanao Regional Committee ang sumuko sa 75th Infantry Battalion at 26th Infantry Battalion kamakailan sa ilalim ng 401st Brigade, Philippine Army sa Agusan del Sur.
Ayon kay Major Rodulfo Cordero, civil military operations officer ng 401st Brigade, may 19 na miyembro ng grupo sa Loreto, Agusan del Sur ang sumurender, noong pasko, bisperas ng anibersaryo ng NPA.
Ang nasabing NPA unit ay pinangunahan ni Mark alias ‘Boss’, ang kumander ng Guerilla Front 3, dala ang kanyang sub-unit leader na nakilalang si alias ‘SK’ na siyang commander ng Platoon Basil, kasama rin si alias ‘Sniper’ ang commander ng Platoon Andoy.
Labing-apat na firearms ang dala-dala ng surrenderees kabilang dito ang siyam na high-powered at limang low-powered firearms. Sinurender din nila ang may ilan-ilang magazines, tatlong commercial icom radios at mahigit 1,300 ammunitions.
Ibinahagi naman ni Brigadier General Andres Centino, commander ng 401st Brigade na sinabi mismo ng mga ito na may korapsyon na nangyayari sa loob ng organisasyon mula sa kanilang ginagawang extortion activities subalit walang naibibigay na benepisyo para sa kanila. Nahihirapan na umano ang kanilang mga pamilya dahil sa kawalan ng suportang pinansyal na siyang dahilan sa pagtiwalag nila sa teroristang grupo.
Kasalukuyang nasa kustudiya ng 401st Brigade ang mga surenderees para na rin sa kanilang proteksyon. Tumanggap na rin ang mga ito ng tulong mula sa provincial government ng Agusan del Sur. Meron din na makukuha ang mga ito na tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Localized Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Binigyang-diin ni Brigadier General Centino, na ito ang pinakaunang pagkakataon na halos buong unit ng npa ang sumurender, at nagkataon pa na sa anibersaryo ng NPA. Ito ay nagpapakita umano na ang mga miyembro ng teroristang grupo ay humihina na at karamihan dito ay tumutugon na sa panawagan ng gobyerno sa pagkamit ng kapayapaan.
Samantala, sinabi naman ni 4th Infantry Division commander Major General Ronald Villanueva, ang pagsuko ng mga miyembro ng NPA ay isang magandang desisyon na kanilang ginawa para sa kanilang sarili at sa pamilya.
https://pia.gov.ph/news/articles/1016748
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.