Friday, March 2, 2018

CPP/NDF-Bicol: Hinggil sa Bigong Pagsalakay ng 31st IBPA sa NPA-CMC sa Brgy. Caditaan, Magallanes, Sorsogon

NDF-Bicol propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 1): Hinggil sa Bigong Pagsalakay ng 31st IBPA sa NPA-CMC sa Brgy. Caditaan, Magallanes, Sorsogon 

Maria Roja Banua, Spokesperson
NDFP Bicol Region (Region V)

1 March 2018

Bigo ang pagsalakay ng isang kumpanya ng 31st IBPA sa pamumuno ni 2nd Lt. Unlaw sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ng Celso Minguez Command (CMC) sa Sitio Sua, Brgy. Caditaan, Magallanes, Sorsogon noong ika-26 ng Pebrero.

Kagyat na nakaganti ng putok ang mga kasama at ligtas na naka-atras ang yunit.

Samantala, matagumpay ang inilunsad na haras ng isang tim ng Celso Minguez Command sa instalasyon ng Globe sa Brgy. Banwang Daan, Matnog, Sorsogon ng alas-11 ng gabi sa parehas na oras. Dito sa nasabing instalasyon nakahimpil ang 22nd Cadres Battalion sa pangunguna ni Sgt. Joselito Roman.

Susi kapwa sa matagumpay na haras at bigong kubkob ng kaaway sa mga kasama ang mahigpit na suporta ng masa. Dahil kilala ng mamamayan ang kanilang tunay na hukbo, hindi kailanman magtatagumpay ang berdugong 31st IBPA sa kanilang layuning pulbusin ang NPA sa Sorsogon at sa buong kapuluan.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20180301-hinggil-sa-bigong-pagsalakay-ng-31st-ibpa-sa-npa-cmc-sa-brgy-caditaan-magallanes-sorsogon

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.