Sunday, October 22, 2017

Quarry site, ginawang impyerno ng NPA

From the Mindanao Examiner (Oct 21): Quarry site, ginawang impyerno ng NPA

Nilusob kaninang madaling araw ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang quarry site sa Butuan City at sinunog ang mga heavy equipment doon bago tumakas.

Hinihinalang nabigo ang may-ari ng quarry sa Barangay Bonbon na magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde kung kaya’t nilusob uto ng NPA. Apat na backhoe, isang truck at payloader ang sinunog ng NPA, ayon sa ulat.

Tinatayang mahigit sa dalawang dosenang rebelde ang lumusob sa quarry site na kung saan ay walang nagawa ang mga trabahador kundi masdan kung paanong binuhusan ng gasolona ng mga rebelde ang naturang heavy equipment.

Wala naman naiulat na sugatan o napatay sa atake ng NPA. Hindi pa mabatid kung bakit hindi natunugan ng militar at pulisya ang paglusob ng mga rebelde, gayun nasa ilalim ng martial law ang buong Mindanao. Ilan beses ng nagbanta ang NPA na aatake sa ibat-ibang panig ng Mindanao bilang bahagi ng kanilang pakikibaka sa pamahalaang Duterte.

Atras-abante naman si Pangulong Rodirgo Duterte sa kanyang pakikipag-usap sa mga komunista at ngayon ay balak muli nitong ituloy ang peace talks na kanyang ibinasura ng ilang ulit dahil sa hindi pagtugon ng NPA sa hinihinging cease-fire agreement ng pamahalaan.

http://mindanaoexaminer.com/quarry-site-ginawang-impyerno-ng-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.