NPA-Southern Tagalog propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Aug 19): Kabiguan ng SOLCOM, tiyak pa rin sa pamumuno ni Madrigal
Jaime “Ka Diego” Padilla, Spokesperson
NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)
19 August 2017
Ang pagkakaupo kahapon ni Maj. Gen. Benjamin Madrigal bilang bagong hepe ng Southern Luzon Command (SOLCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay patunay ng paulit-ulit na kabiguan ng AFP na kitilin ang nag-aalab na pakikibaka ng rebolusyonaryong mamamayan sa Timog Katagalugan. Hindi magtatagumpay ang SOLCOM na lipulin ang NPA sa rehiyon kahit ilan pang mukha ng mga berdugong heneral ang ipalit sa pamumuno nito.
Isang malaking kasinungalingan ang pahayag ni Madrigal hinggil sa papaunting bilang ng mga Pulang Mandirigma ng NPA sa rehiyon. Patunay dito ang patuloy na paglakas ng NPA sa buong rehiyon sa kabila ng marahas na pagtugis ng AFP. Nagpapatuloy ang pag-aarmas at pag-aaklas ng sambayanang Pilipino sa Timog Katagalugan dahil sa patuloy na kahirapang pinalalala ng mga atrosidad ng AFP laban sa nakikibakang mamamayan.
Sa pamumuno ni Madrigal, kahaharapin niya ang galit at dumadaluyong na lakas ng mamamayan sa rehiyon laban sa mersenaryong tradisyon ng AFP. Ito ang nagsisilbing mitsa sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga Pulang Hukbo at ibayong pagdaluyong ng rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan. Tiyak na mabibigo ang SOLCOM at muling mailalagay sa basurahan ng kasaysayan.###
Wakasan ang All-out War ng Rehimeng US-Duterte!
Biguin ang Oplan Kapayapaan!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.