Bago ang Mayo 23, 2017, ang grupo ng mga bandido na nag-o-operate sa Lanao area na tinaguriang Maute Group ay isa lamang armed network ng mga angkan na may mga kaanak sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Pero, isa na ngayong international terrorist organization ang Maute Group, dahil sa dineklarang Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang dating tinatawag na local group sa mga military at police reports ay pinangalanan na ngayon bilang Maute ISIS.
Inihayag noong Biyernes ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Eduardo Año na ikinukunsidera na ng AFP na iklasipika ang grupo bilang isang international terrorist organization.
Sa ngayon, ang Abu Sayyaf at New People’s Army (NPA) pa lamang ang mga grupo sa Pilipinas na nasa listahan ng US Department of State na kabilang sa Foreign Terrorist Organizations.
Sa pagsasaliksik ng VERA Files, lumilitaw na bago isinailalim sa Martial Law ang Mindanao, ay mayroon nang police at military intelligence reports na nagsasabing mahina na ang puwersa ng Maute Group gayundin ang adhikain nitong makapagtatag ng Islamic State wilayah o province sa Mindanao.
Parehong sinabi ng AFP at Philippine National Police (PNP) na ang grupo ay isang network ng mga armadong angkan na naka-base sa Lanao del Sur.
May mga kamag-anak sila sa MILF at mga koneksyon sa local politicians, at mayroong training and financial relations sa Southeast Asian terror network Jemaah Islamiya.
Pero, walang istablisadong direct ties ang Maute sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Noong nagdeklara lamang si Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao saka tinawag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang grupo bilang Maute ISIS.
“It is actually Maute ISIS because they are the same,” ayon kay Lorenzana sa isang press conference sa Moscow matapos magdeklara si Duterte ng Martial Law sa Mindanao.
May dahilan, aniya, upang maniwala siya rito batay sa mga ulat na kanyang natanggap mula sa Baghdad, kung saan ang mga larawan ng mga nagaganap na sagupaan sa Marawi City ay sabay na lumalabas sa ISIS website sa Middle East. Para kay Lorenzana, patunay ito na may international backing mula sa ISIS.
Sa pagtataya ng PNP ay nasa 267 ang bilang ng Maute Group na karamihan ay magkakamag-anak at mayroong 117 na iba’t ibang klase ng high-powered firearms.
Mula sa nasabing bilang, iniulat ng militar na 85 Maute Group-linked personalities ang napatay sa serye ng mga operasyon na isinagawa noong Pebrero 2016, at 37 iba pa ang nasawi sa mga opensiba ng militar noong Abril 22 hanggang 24 ngayong taon.
“Originally the Maute is composed of close relatives but due to their depleted number of members, they are accepting outside of their clan. Thus, penetrating them is possible,” ayon sa PNP intelligence brief na napasakamay ng VERA Files.
Tinukoy sa nasabing ulat ang mga kilalang angkan sa Lanao del Sur na bumubuo sa grupo: Maute, Romato, Mimbantas and Macadatu.
“Currently, the Maute Group has gathered a force not only from the above mentioned clans but from other groups in Central Mindanao such as MILF/Bangsamoro Islamic Armed Force (MILF/BIAF), Moro National Liberation Front/Bangsamoro Armed Forces (MNLF/BAF), Bangsamoro Islamic Freedom Movement/Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFM/BIFF), Abu Sayyaf Group/Al Harakatul Al-Islamiya (ASG/AHAI), Ansar al-Khalifa Philippines (AKP) and individuals who want to experience (Hijra) fighting in the name of religion,” ayon pa sa police intelligence brief.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.