Sunday, May 14, 2017

CPP/NPA-Mindoro: 3 patay sa bigong atake ng 76IB-PA sa NPA sa Mindoro

New People's Army-Mindoro propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (May 11): 3 patay sa bigong atake ng 76IB-PA sa NPA sa Mindoro (3 dead in 76IB-PA failed attack vs NPA in Mindoro)

 Pananabotahe ng AFP sa usapang pangkapayapaan, kinundena

Ka Madaay Gasic, Spokesperson
NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command)
11 May 2017

MAMBURAO, OCCIDENTAL MINDORO—Tatlo ang patay sa panig ng 76th Infantry Battalion-Philippine Army (76IB-PA) sa kanilang bigong surpresang atake sa mga Pulang mandirigma ng New People’s Army-Mindoro/Lucio De Guzman Command (NPA-Mindoro/LDGC) sa So. Tagbungan, Brgy. Barahan, Sta. Cruz, Occidental Mindoro, Mayo 8, taliwas sa naunang pahayag ng 76IB.

Sa naturang sagupaan, tatlo ang napaulat na kagyat na napaslang matapos pasabugin ng NPA ang kanilang command detonated explosives (CDX) nang nagtangkang pumasok ang may 30-40 elemento ng 76IB-PA sa himpilan ng mga Pulang mandirigma. Sa panig naman ng NPA, napaslang sa bugso ng putukan si Aileen “Ka Pia” Serna. Ligtas namang nakaatras ang mga Pulang mandirigma upang maiwasang madamay ang masa sa kalapit-baryo.

Naglulunsad ng pulong masa ang mga naturang NPA sa lugar upang ipaliwanag ang nagaganap na usapang pangkapayapaan at ang panukalang sosyo-ekonomikong reporma ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) nang maganap ang surpresang atake ng 76IB-PA. Taliwas ito sa pahayag ng mga militar na “nangingikil” ang NPA nang maganap ang sagupaan.

Ayon din sa mga ulat na natanggap ng NPA-Mindoro, isang lalaking sibilyan, nasa edad 45-50 anyos, ang dinukot ng mga militar at hinihinalang nasa kampo ng 76IB-PA sa Bgy. San Luis (Ligang), Mamburao, Occidental Mindoro. Dumaraing din ang mamamayan, lalo na ang mga katutubong Alangan dahil sa pananakot at harasment ng mga sundalo sa nagpapatuloy nilang operasyong militar sa magkakatabing sityo sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Pinabubulaanan nito ang deklarasyon ng mga militar na tagumpay sa naturang operasyon na sila mismo ang nagsimula, ani Ka Madaay Gasic, tagapagsalita ng NPA-Mindoro/LDGC.

“Binigo sila ng superyoridad ng mga NPA sa maniobra at kapasyahang humarap sa labanan,” ani Ka Madaay. “Habang buong kahambugan nilang idineklara ang tagumpay sa kanilang media stunt, sa katunayan paulit-ulit na silang binigo ng NPA.”

Iniulat ni Ka Madaay na noong Peb. 5, ang labanang sinimulan din ng 76IB-PA ay nagdulot ng 6 na kaswalti sa panig ng militar habang isa naman sa NPA.

Mariin namang kinundena ng NDFP-Mindoro ang patakarang all-out war ng rehimeng Duterte. Anila, ginagamit ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang isagawa ang mga madudugong atake sa rebolusyonaryong kilusan at sa mamamayan at palabasing “tutugisin” lamang nila ang mga rebelde.

“Isa itong all-out war laban sa mamamayan na patuloy na tumatangis sa paghiling ng pangmatagalang kapayapaan, isa itong patakrang naglalayong idiskaril ang umuusad nang usapang pangkapayapaan o peace talks,” ani Ka Ma. Patricia Andal, tagapagsalita ng NDFP-Mindoro.

“Marapat lamang na tumindig ang lahat ng mamamayang naghahangad ng tunay na kapayapaang nakabatay sa hustisya. Dapat malakas nating ipanawagan ang pagresolba sa ugat ng armadong tunggalian na siya ngayong nakahain sa usapang pangkapayapaan. Dapat singilin ang hepe ng AFP na si Duterte sa kanyang pagtataksil sa pangakong gubyernong naghahangad ng ‘pagbabago, kaunlaran at kapayapaan’,” pagtatapos ni Ka. Patricia.

===================================================

3 dead on 76IB-PA failed attack vs NPA in Mindoro

MAMBURAO, OCCIDENTAL MINDORO—Three elements of the 76 Infantry Battalion-Philippine Army (76IB-PA) died on their failed surprise attack against Red fighters of the New People’s Army/Lucio De Guzman Command (NPA-
Mindoro/LDGC) in So. Tagbungan, Brgy. Barahan, Sta. Cruz, Occidental Mindoro, May 8, contrary to an earlier statement on the army unit.

In the said encounter, three were reported dead on the spot after the NPA set off command-detonated explosives (CDX) when 30-40 elements of the 76IB-PA sneaked up on a rebel camp. On the rebel’s side, a Red fighter named Aileen “Ka Pia” Serna died in
the firefight. The Red fighters left the area to avoid any harm among nearby villages.

The said NPA unit was conducting a meeting with villagers to explain the state of the ongoing peace talks and the socio-economic reforms proposed by the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) when they were attacked by uniformed men. This was in contrary to the army’s claim that the NPA were extorting when the encounter took place.

According to reports received by NPA-Mindoro, the military also abducted a civilian, male, aged 45-50 years, and was detained at the 76IB-PA camp in Brgy. San Luis (Ligang), Mamburao, Occidental Mindoro. Local villagers, especially Mangyan Alangan ethnoliguistic group because of harassment and intimidation due to continuing military operations in the area.

This contradicts military’s earlier statement claiming victory in the said attack that they themselves initiated, said Comrade Madaay Gasic, NPA-Mindoro/LDGC
spokesperson.

“The NPA’s superiority on maneuver and their decisiveness to face offensives defeated
the army’s surprise attack,” said Ka Madaay. “The army desperate about their loss brags their supposed victory thru media stunt.”

Ka Madaay claimed that on Feb. 5, 76IB-PA also initiated a firefight with rebels resulting to six dead among their ranks, and one dead on their side.
Meanwhile, the NDFP-Mindoro condemned the all-out wat policy of the Duterte regime. They claim that the AFP takes advantage of the policy to conduct theit vicious
attacks against the revolutionary movement and the people.

“This is an all-out war against the people who cry relentlessly for lasting peace, this is a policy that aims to derail the ongoing peace talks,” said Comrade Ma. Patricia Andal, NDFP-Mindoro spoksperson.

“It is always high time for all people desiring for genuine peace based on justice to rise up, and call to resolve the roots of armed conflict that is currently discussed in the peace negotiations. Duterte, the AFP’s commander in chief must stand by his promise of
establishing a government of ‘change, progress and peace’. Otherwise, these are nothing but empty rhetoric,” Ka Patricia ended.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170511-3-patay-sa-bigong-atake-ng-76ib-pa-sa-npa-sa-mindoro

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.