Monday, August 22, 2016

Seguridad vs. IS-linked group itinaas sa Mindanao

From the Mindanao Examiner (Aug 22): Seguridad vs. IS-linked group itinaas sa Mindanao (Security vs. IS-linked group raised in Mindanao)



Some members of the Ansar Al-Khilafah Philippines headed by Tokboy Maguid (4th from left) in this Telegram photo.

Inilagay sa mataas na seguridad ng pulisya at militar ang rehiyon ng Mindanao matapos na mapatay ang tatlong miyembro ng mga jihadists na may kaugnayan umano sa Islamic State.

Posibleng target ng mga jihadists ang mga pampublikong lugar at kapistahan sa Mindanao dahil na rin sa mga banta nito na bobombahin ang ibat-ibang target sa rehiyon. Nasawi ang tatlo sa labanan kamakalawa sa Barangay Daliao sa bayan ng Maasim sa Sarangani province.

Nakilala naman ng pulisya ang mga napaslang na sina Jomar Harid, Abu Sabana at Arthur Tagum na pawing mga miyembro ng Ansar Al-Khilafah Philippines sa ilalim ni Tokboy Maguid na nanumpa nitong taon lamang sa Islamic State.

Sinabi ng pulisya na sympathizers ng Islamic State ang mga ito at sabit sa maraming atake laban sa mga sundalo at parak.

Nabatid pa sa pulisya na ang mga napatay ay siya rin nasa likod ng grenade attack sa isang himpilan sa nasabing bayan na kung saan ay isang parak ang nasawi at 7 iba pa ang sugatan.

Nabawi sa tatlo ang kanilang mga armas at maraming bala, gayun rin ang mga bandila ng Islamic State.

http://mindanaoexaminer.com/seguridad-vs-is-linked-group-itinaas-sa-mindanao/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.