Tuesday, July 12, 2016

Shoe Box Project, inilunsad ng Army Artillery Regiment sa Nueva Ecija

From the Philippine Information Agency (Jul 12): Shoe Box Project, inilunsad ng Army Artillery Regiment sa Nueva Ecija (Shoebox Project, launched by the Army Artillery Regiment in Nueva Ecija)

Inilunsad nitong nakaraang Biyernes ng Army Artillery Regiment o AAR ang “Shoe Box Ko, Kinabukasan Mo Project” para sa mga kapus-palad na mag-aaral sa Nueva Ecija.

Ayon kay AAR Commander Colonel Erwin De Asis, ito ay sinimulang programa ng Philippine Army na layong maabot at makaagapay sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanayunan.

Dito aniya ay naimumulat sa mga estudyante ang kahalagahan ng sigasig at sigla sa pag-aaral gayundin ay naipakikita ang kagandahang asal mula sa pagbibigayan at pakikipagbayanihan.

Dagdag pa ni De Asis, ang bawat kahon ng sapatos ay naglalaman ng mga gamit pangeskwela gaya ng notebook, lapis, ballpen, krayola, at sinamahan pa ng mga pansariling kagamitan tulad ng damit, toothbrush, sabon at iba pa na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pagpasok sa eskwela.

Nauna ng nabahagian ang nasa 400 mag-aaral mula sa Buklod Palad National High School, Kalikasan at Minalungao Elementary School na magtutuloy-tuloy sa iba pang mga paaralan hanggang ngayong Linggo at sa Lunes, ika-25 ng Hulyo.

Bilang payo sa mga mag-aaral ay sinabi ni De Asis na magsilbi nawa itong inspirasyon upang mapabuti nila ang kanilang pag-aaral at umunlad ang pamumuhay.

 
http://news.pia.gov.ph/article/view/1961468226378/shoe-box-project-inilunsad-ng-army-artillery-regiment-sa-nueva-ecija

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.