From the Philippine Information Agency (Jul 12): Army Artillery Regiment, nagpasalamat sa mga naging katuwang sa tagumpay ng Shoe Box Project sa Nueva Ecija (The Army Artillery Regiment, thanked its many partners for the success of the Shoe Box Project in Nueva Ecija)
Lubos ang pasasalamat ng Army Artillery Regiment o AAR sa mga pribadong kumpanya at grupo na tumugon at tumulong sa kampayang pamamahagi ng mga school supplies sa mga mag-aaral.
Ayon kay AAR Commander Colonel Erwin De Asis, hindi magiging matagumpay ang proyektong ito kung wala ang tulong ng bawat stakeholder na nagpaabot ng kanilang suporta.
Nauna nang nabiyayaan ang nasa 400 mag-aaral nitong nakaraang linggo na layong maabot ang nasa pitong pampublikong paaralan at isang pambansang mataas na paaralan sa lalawigan.
Kabilang sa mga naging katuwang ng AAR ay ang mga sumusunod na kumpanya at opisina: Opisina ni Senador Antonio Trillanes IV, pamahalaang panlalawigan at lungsod ng Palayan, ABS-CBN Lingkod Kapamilya, Inc- Sagip Kapamilya, San Miguel Brewery, Aboitiz Foundation, SL Agritech Corporation, Pasong Tamo Makati City, Wesleyan University of the Philippines, SM City Cabanatuan, ASKI Foundation Inc., KBP Nueva Ecija, Kiwanis International, at Golden Foster Club Division2C-1.
Ayon pa kay De Asis, umaasa ang tanggapan na lalo pang magiging matibay ang samahan at pagkakaisa ng mga kasamang stakeholder sa lalawigan para sa mga hamon ng hinaharap.
http://news.pia.gov.ph/article/view/1961468226967/army-artillery-regiment-nagpasalamat-sa-mga-naging-katuwang-sa-tagumpay-ng-shoe-box-project-sa-nueva-ecija
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.