Patay ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) matapos itong malapitang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang kabataang lalaki habang nanonood ng basketball kamakalawa ng hapon sa Matnog, Sorsogon.
Dead on the spot sanhi ng tinamong pitong tama ng bala ng kalibre .45 baril ang biktimang nakilalang si Tsgy. Jerry Genavia Galileo, 55, miyembro ng PA na nakadestino sa Radar station sa Barangay Pangi ng nabatid na bayan.
Samantala parang walang anumang naglakad palayo ng lugar ng insidente ang dalawang lalaking suspek na tinatayang nasa edad 18 hanggang 23-anyos matapos masigurong wala ng buhay ang biktima.
Sa ulat ng Sorsogon Police Provincial Office (PPO), naganap ang insidente dakong alas-singko ng hapon habang nasa kasarapan ng panonood ng laro ng basketball ang biktima sa basketball court sa Barangay Pangi ng lapitan ito ng mga suspek.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.