Saturday, August 8, 2015

7ID, nagdiwang ng ika-27 taong anibersaryo

From the Philippine Information Agency (Aug 5): 7ID, nagdiwang ng ika-27 taong anibersaryo

FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija -- Ipinagdiwang kamakailan ng Army 7th Infantry Division o 7ID ang ika-27 anibersaryo nito sa pamamagitan ng mga aktibidad na layong maipamalas ang ugnayan ng unipormadong hanay at mga mamamayan.

Sinabi ni Division Commander Major General Glorioso Miranda na kaakibat ng temang “7ID @ 27: Kaugnay Troopers Kaagapay at Kaisa ng Sambayanan sa Kapayapaan at Kaunlaran,” ay isinagawa ang pagtatanim ng nasa 1,700 punong kahoy sa sitio Pinaltakan, barangay Caballero sa lungsod ng Palayan.

Nagkaroon din ng fun shoot, DRO Squad Challenge, triathlon, battle of the bands at sports fest.

Hindi naman mawawala ang paghahatid ng serbisyo sa mga nangangailangang kababayan gaya ang libreng cataract operation sa pangunguna ng Fort Magsaysay Army Station Hospital.

Nagsilbing highlight ng pagdiriwang ang pagkilala ng mga natatanging kawani ng dibisyon na pinangunahan ni dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff at Cabinet Cluster on Security, Justice and Peace Executive Director Undersecretary Emmanuel Bautista.

http://news.pia.gov.ph/article/view/1961438750763/7id-nagdiwang-ng-ika-27-taong-anibersaryo

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.