Saturday, August 8, 2015

7ID, kinilala ang mga natatanging tauhan, yunit

From the Philippine Information Agency (Aug 5): 7ID, kinilala ang mga natatanging tauhan, yunit

FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija -- Kinilala kamakailan ng Army 7th Infantry Division o 7ID ang mga natatanging tauhan at yunit nito sa okasyon ng ika-27 anibersaryo.

Pinangunahan ni dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff at Cabinet Cluster on Security, Justice and Peace Executive Director Undersecretary Emmanuel Bautista ang paggawad ng parangal kina Lieutenant Jayrald Ternio bilang Best Officer, Corporal Orlando Duton Jr. bilang Best Enlisted Personnel, Rosalie Tolentino bilang Model Civilian Employee, at Norlito Feralija bilang Best Civilian Armed Auxiliary.

Kinilala rin ang 701st Infantry (Kagitingan) Brigade at ng 56th Infantry (Tatag) Battalion dahil sa pagpapakita ng kabihasaan at kagalingan at maging ang 3rd, 24th, 48th, 56th, 69th, 70th, 71st, 81st, at 84th Infantry Battalion dahil sa patuloy na pagpapahalaga sa isinusulong na Army Transformation Roadmap.

Sinabi ni Division Commander Major General Glorioso Miranda na  maliban sa mga tauhan at yunit nila ay pinarangalan rin ang mga civilian stakeholder na naging katuwang sa maraming serbisyong inilaan para sa mga nasasakupang pamayanan tulad nina Dona Remedios Trinidad, Bulacan Municipal Health Officer Rhodelia Vardeleon at Nueva Ecija Royal Lions Club President Clarence Luther Bulanadi.

Gayundin ay kinilala ang tanggapan ng Davao Oriental Happy Home na nagtatag ng kauna-unahang processing center para umalalay sa pagbabago ng mga sumukong rebelde.

http://news.pia.gov.ph/article/view/1961438752255/7id-kinilala-ang-mga-natatanging-tauhan-yunit

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.