Thursday, June 25, 2015

Tribal warrior, binira ng NPA sa Davao Norte

From the Mindanao Examiner (Jun 25): Tribal warrior, binira ng NPA sa Davao Norte

Pinatay diumano ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang natibo habang nagsasaka ito sa bayan ng Kapalong sa Davao del Norte province.

Sinabi ni Capt. Alberto Caber, ang tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, na halos 40 mga rebelde ang dumating sa Barangay Suason kamakalawa ng tanghali at niratrat si Roger Bato, 31.

Dalawa umano sa kasamahan ni Bato ang nakatakas. Hindi pa mabatid ang dahilan o motibo sa pagpatay kay Bato o kung ito ba ang isang espiya o asset ng militar sa lugar kung kaya’t binanatan siya ng mga rebelde.

Hindi naman agad makunan ng pahayag ang NPA ukol sa naganap at hindi rin sinabi ni Caber kung paanong natukoy na mga rebelde nga ang pumaslang sa biktima na isang warrior ng tribong Bagani.

Sinabi naman ni Caber na patuloy ang paghahanap ng mga sundalo sa naturang gupo ng mga armado upang papanagutin sa kanilang krimen.

http://mindanaoexaminer.com/tribal-warrior-binira-ng-npa-sa-davao-norte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.