NDFP National Democratic Front of the Philippines
Tomas Pilapil Command – Bagong Hukbong Bayan
Partido Area – Camarines Sur
Pahayag sa Midya
Partido Area – Camarines Sur
Pahayag sa Midya
Ipinatupad ng isang yunit ng Tomas Pilapil Command – Bagong Hukbong Bayan (TPC – BHB) ang atas ng Demokratikong Gubyernong Bayan na parusahan ang kumpanyang Bicol Chromite And Manganese Inc. sa Brgy. Himagtocon, Lagonoy, Camarines Sur at sirain ang mga kagamitan nito na kinakasangkapan sa pagdambong sa yamang mineral ng bansa at pagsira sa kalikasan. Ino-opereyt ang nasabing kumpanya ng isang Lydia Cu. Ganap na sinira ng mga operatiba ng TPC-BHB ang isang backhoe, isang bulldozer, isang owner-type jeep, at mga generator set. Humigit kumulang 10 milyong piso ang pinsalang tinamo ng mapanirang kumpanya sa mina. Ang pagparusa ay ipinatupad nitong Hunyo 18, 2015 bandang alas-6 ng gabi.
Ang hakbang na ito ay tugon rin sa matagal nang reklamo ng mga residente sa mga bulubunduking barangay ng Himagtocon, Pinamihagan, Del Carmen at Bocogan sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur dahil sa patuloy na pagsira ng naturang kumpanya sa kanilang mga komunidad dulot ng walang-habas na pagmimina na sumisira sa kapaligiran.
Ang kabundukan ng Lagonoy ay isa sa mga lugar sa Rehiyong Bikol na maraming nakaimbak na mineral tulad ng chromite, ginto, manganese at iba pa. Mula pa noong matapos ang ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sinimulan na ang pagdambong ng mga dayuhan at pagsira sa mga likas na yaman at rekurso. Nagpalit-palit na rin ang mga dayuhang kumpanya na nagmina rito.
Walang programa ang gubyerno ni BS Aquino III, maging ang mga naunang rehimen, para sa tunay na industriyalisasyon ng bansa. Sa halip na linangin ang mga yamang mineral tungo sa pag-unlad ng lokal na industriya, hinayaan lamang ng mga naghaharing rehimen ang malalaking dayuhang kumpanya na hakutin patungo sa labas ng bansa ang mga hilaw na materyales na magagamit sana sa paglikha ng mga makinarya at kagamitan para sa pambansang industriyalisasyon.
Kabaliktaran sa sinasabi ng gobyerno na ”kaunlaran” at ”maayos na trabaho” para sa mga lokal na residente ang ibubunga ng mga dayuhang mining investment, nananatiling pinakamahirap ang nasabing mga baryo sa Lagonoy. Ang bayan ng Lagonoy mismo ay isa sa nananatiling mahirap na bayan sa Camarines Sur at buong Bikol.
Nananawagan ang TPC-BHB sa mamamayan ng Partido Area sa Camarines Sur na makiisa sa paglaban sa pagpapahintulot ng rehimeng US-Aquino sa walang-awat na pagdambong ng malalaking dayuhang kumpanya sa yamang mineral ng bansa at sa nagreresultang malawakang pagkasira ng kapaligiran.
Ka Baldomero Arcangel
Tagapagsalita
http://www.philippinerevolution.net/statements/20150618_mapaminsalang-kumpanya-sa-mina-pinarusahan-ng-tomas-pilapil-command

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.