Saturday, June 20, 2015

Army battalion, namahagi ng mga textbooks sa Dinalungan

From the Philippine Information Agency (Jun 18): Army battalion, namahagi ng mga textbooks sa Dinalungan [Army battalion, distributes textbooks in Dinalungan (Aurora)]

Humigit kumulang 600 mag-aaral sa bayan ng Dinalungan ang nakinabang kamakailan sa mga textbooks na bigay ng 56th Infantry Battalion (56IB) ng Philippine Army.
 
May kabuuang 29 na kahon ang naipamahagi sa Paulino Bautista Elementary School, Abuleg Elementary School, at Ditawini Elementary School.

Buong pasasalamat ng mga guro sa mga naturang paaralan pagkat malaking bagay raw para sa kani-kanilang mga klase na may sariling aklat ang mga estudyante.

Sa isang pahayag, sinabi ni 56IB head Lt. Col. Joey Escanillas na nakita nila ang hirap ng kalagayan sa pag-aaral ng mga bata kaya isinulong nila ang ganitong programa.

Pangunahin aniya sa kanilang sandatahan ang suportahan ang edukasyon dahil naniniwala sila na ito ang siyang susi sa katahimikan at kapayapaan ng isang lugar tungo sa pag-unlad

http://news.pia.gov.ph/article/view/611433834889/tagalog-news-army-battalion-namahagi-ng-mga-textbooks-sa-dinalungan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.