Hawak ngayon ng militar ang 2 rebeldeng New People’s Army na umano’y sumuko sa lalawigan ng Bukidnon, ngunit inaalam pa ng mga opisyal kung bakit tumiwalag ang mga ito sa kanilang grupo.
Sa ulat na inilabas ng 4th Infantry Division, sinabi ni Maj.
Christian Uy, ang tagapagsalita ng militar, na dalawang armas rin ang isinuko
ng mga rebeldeng sina Etok Islao at Jovito Anlangan, Sr, sa Barangay Silipon sa
bayan ng Libona.
Nais umano ng mga ito na makasama
ang kanilang pamilya at makapagbagong-buhay sa ilalim ng Balik-Baril program.
Humihingi rin ng amnestiya ang dalawa kapalit ng kanilang tulong sa militar
kung sakaling pumasa sa interogasyon.
Walang detalye na inilabas ang
militar ukol sa pagsuko ng dalawang rebelde. Matagal ng nakikibaka ang NPA sa
pamahalaan upang makapagtatag ng sariling estado sa bansa.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.