Hawak ngayon ng militar ang dalawang kampo ng Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu na kung saan ay patuloy rin ang opensiba ng pamahalaan sa rebeldeng grupo.
Naunang inulat ng Western Mindanao Command na umabot sa dalawang
dosena ang napatay na Abu Sayyaf sa mga nakalipas na araw sa kabundukan ng
Patikul, ngunit wala naman bangkay na nabawi ang mga sundalo sa nasabing lugar.
Ayon pa sa militar, hinila diumano ng Abu Sayyaf ang kanilang mga
casualties upang hindi mabawi ng mga sundalo.
Sinabi naman ni Col. Alan Arrojado, ang commander ng Joint Task Group
Sulu, na ang nabawing kampo sa Patikul ay may 50 bunkers at maaaring magkasya
ang 200 katao. Natagpuan rin sa kampo ang mga basyong dextrose bottle, damit at
mga paliguan.
Ang isang kampo naman sa Barangay Buhanginan ay tinatayang nasa 100
square meters lamang at nagsilbing pahingahan ng Abu Sayyaf. Kasya umano doon
ang 50 katao. May mga nabawi rin umanong mga kagamitan at damit ng babae sa
lugar kung kaya’t posibleng may mga babaeng combatants umano ang Abu Sayyaf.
Ngunit ayon sa ibang sources, pawang mga asawa at kapatid ng mga
rebelde ang nagmamay-ari ng mga nabawing kagamitan ng babae sa kampo. May mga
armas rin umano ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang sarili kung
maabutan ng militar sa lugar.
http://www.mindanaoexaminer.net/2015/03/2-kampo-ng-sayyaf-hawak-na-ng-militar.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.