Friday, February 13, 2015

Q and A with MILF Commander Haramen on Mamasapano: “Walang eroplano, walang bazooka”

From MindaNews (Feb 13): Q and A with MILF Commander Haramen on Mamasapano: “Walang eroplano, walang bazooka”

SITIO AMILIL, Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao (MindaNews/12 Feb) — The few residents living along the highway in Barangay Tuka saw the signs of war when several truckloads of “sundalo” in full battle gear arrived late Saturday evening, January 24, disembarked from their vehicles and walked to the direction of Tukanalipao, some two kilometers away.

Bai Monera, 40, said the “sundalo” left their vehicles on the road. “Sundalo” in these areas is generic for government forces in camouflage uniform and the regulation boots. Monera only knew they were “pulis” when they heard the news the next day that members of the Special Action Force of the Philippine National Police (PNP-SAF) operated near their area.

 Sunday dawn, January 25, gunshots awakened residents near and far. By evening, what would be the highest death toll in a single day clash between the government (GPH) and Moro Islamic Liberation Front (MILF) in the last 18 years — 67 — happened: 44 from the SAF, 18 from the MILF, and five civlians, according to the Commission on Human Rights.

The tragedy in Mamasapano happened 10 months after the signing of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) and came at such a crucial time, as Congress was deliberating on the Bangsamoro Basic Law (BBL) that would serve as the charter of the future Bangsamoro Government, the new autonomous political entity that both parties had targeted to install by 30 June 2016.

MILF commander Haramen (right) is escorted by his men,  narrated what happened on January 25, 2015 in an interview two Sundays later, February 8, at the cornfields in Sitio Amilil, Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.  MindaNews photo by Gregorio Bueno

MILF commander Haramen (right) is escorted by his men, narrated what happened on January 25, 2015 in an interview two Sundays later, February 8, at the cornfields in Sitio Amilil, Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao. MindaNews photo by Gregorio Bueno

As has been divulged by sacked SAF director, Chief Supt. Getulio Napenas, 392 members of the SAF were deployed for “Oplan Exodus,” a mission intended to take Marwan and Abdulbasit Usman out. Marwan, a Malaysian national trained in the United States, was on the list of the US government’s “most wanted terrorists” with a reward money of US$ 5 million (Php 220 million) and US$1m for (PhP 44 million) for Usman.

Not all 392 went in: only 73. The assault team — 37 members from the most elite cops – the US-trained 84th Special Action Company — proceeded to Barangay Pidsandawan to get Marwan and Usman. Thirty six members of the 55th SAC which acted as the blocking force – were in Sitio Amilil, Barangay Tukanalipao, about two to three kilometers away.

Of the 36 members of the 55th SAC, only PO2 Chris Lalan, survived to tell their story. He said they were “ambushed” by the MILF in Sito Amilil, the encounter site of cornfields separated by a river but connected through what has become an iconic wooden bridge.

Across the river, the MILF, initially numbering only 35, also claimed they were “ambushed” by armed men.

Haramen, operations commander of the 7th Brigade of the 105th Base Command of the MILF’s Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) said he was awakened at around 4 a.m. by a phone call from his Brigade Commander, Abdulmanan, who instructed him to go to their designated meeting place as there were intelligence reports “na mag operation daw ang mga military.”

 Laborers in Barangay Tukanalipao, Mamasapano, earn P20 for hauling a sack of newly-harvested corn. The corn harvest came from the pawas (marshland) near the site of the bloody exchange of gunfire between the Special Action Force of the Philippine National Police and the Moro Islamic Liberation Front. MindaNews photo by Gregorio Bueno

Laborers in Barangay Tukanalipao, Mamasapano, earn P20 each for hauling a sack of newly-harvested corn. The corn harvest came from the pawas (marshland) near the site of the bloody exchange of gunfire between the Special Action Force of the Philippine National Police and the Moro Islamic Liberation Front. MindaNews photo by Gregorio Bueno

There had been no prior notice to them about a military operation from the MILF peace panel’s Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) and the Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG). Because of the 1997 ceasefire and the 2002 agreement on dealing with lawless elements in MILF areas, coordination had been a key to ensuring no misencounters would happen between the parties.

Around this time, additional troops from the SAF in Caraga, General Santos and Kidapawan, and those from the 41st SAC who had assembled for two to three days in Malalag, Davao del Sur, had started to arrive in Barangay Tuka.

After their morning prayers, Haramen’s group of about 35, walked towards Sitio Amilil, about a kilometer from the market along the highway, hearing gunshots from a distance. He said they moved faster and were crossing the bridge when fired upon, killing two of his men.

It was still dark. The SAF commandos had night vision goggles.

As they exchanged fire, Haramen said he was convinced the armed men who fired on them were not government forces but a group who may have harbored a “grudge” against their group because “walang eroplano, walang bazooka” (there were no planes, no bazooka) after the first gunbursts.

He said it was easy to know if government troops are operating because the first bursts of gunfire would be followed by air support and mortar fire. There was none this time. And none came even until the firing stopped a little past noon.

The 42-year old Haramen, who speaks Maguindanao, a bit of Cebuano, Ilonggo and English, emerged from the cornfields with 17 other guerrillas following him, single file, some of them masked, at around 2:30 p.m. on February 8, to meet MindaNews’ Carolyn O. Arguillas for this interview under a langka (jackfruit) tree, a few meters away from where bodies of the police commandos were found two Sundays ago.

Excerpts:
Q. Anong oras kayo dumating dito?

A. Siguro mga 4:30 na yun. Nagputok yun bigla. Lumakad kami na medyo binilisan kasi andyan ang Brigade Commander namin dito banda. Akala namin rido yun. Ang kadalasang mangyari sa amin rido. Pag akyat namin ng tulay, medyo dito na banda pinaulanan na kami ng bala ng mga tao dito nakapwesto. Hindi namin alam kung ano yun. Tinamaan ang dalawa naming kasama diyan.
 
Q. Galing dito ang putok?

A. Dito galing. Ang alam namin inambushan kami talaga. Hindi namin alam, military, ano, basta inambush kami. Pagkaganon syempre maraming tanong. Alanganin na bumalik kami sa highway baka may military na doon. Walang mangyayari, wala kaming magawa kundi lumaban. Lumaban kami iyan – ng mga bala, bala nila at bala namin. Pero sa mga sandaling yun, hindi pa namin alam ang kalaban namin kung military o SAF kasi walang eroplano, walang bazooka, 105 (mm howitzer). Kapag military yun, galing sa gobyerno, siguradong mayrong eroplano at saka 105. Buong akala namin grudge talaga, na mga tao na ayaw nila ang aming tropa.
 
Q. Akala nyo rido?

A. Rido
 
Q. 4:30 a.m. Madilim pa yun so hindi ninyo nakikita kung ilan ang pat

A. Dalawa. Dalawa sa amin – sa kanila hindi namin alam.
 
Q. So nagkaputukan na – hanggang anong oras ang putukan?

A. Matagal. Hanggang mga 1:30 o 2:30 p.m.
 
Q. Anong oras pinakamatindi ang putukan?

A. Mula 7 a.m. hanggang mga 11.
 
Q. Noong nakikita na ang araw, nakikita nyo na sila?

A. Sa ilalim sila ng mais. Sila ang nakakakita sa amin. Nakita namin sila noong pag-search na. Pero wala na kaming magawa. SAF pala. Pero nangyari na ang nangyari.
 
Q. Hanggang hapon dito kayo nagconcentrate ng putukan o naglayo o umabot din kayo dito?

A.  Nalibutan na namin sila.
 
Q. Nalibutan?

A. Pinaligiran namin kasi akala namin grudge talaga. Kasi nagpaputok sila. Nagpapalitan na ng putok. Siempre kung nagpapalitan ng putok.. ano ang iisipin mo? Kung paano ang kalaban mo na maknockdown
 
Q. Parang Pacquiao?

A. Tingnan mo si Pacquiao. Paano ma knockdown ang kalaban? Ganoon din sa putukan (laughs)
 
Q. Anong oras ninyo nalaman na SAF sila?

A. Noong dumating na, tumawag sa amin ang Central committee na pull out kay SAF ang nag operate diyan. Mga 2:30.
 
Q. Akala ko nakarating ang CCCH dito ng mga alas dose, ala una?

A. Nakarating sila pero walang kumunikasyon. Mahirap na lumapit ka sa nagpaputok. Halimbawa kung magpaputok diyan. Kaya mong lumapit? Kahit military nga doon ayaw lumapit.
 
Q. So paano mo nalaman — ikaw ang commander — na tumigil na kayo?

A. Tumawag sa amin ang base commander sa cellphone. Sabi “alis kayo kasi yun ang order ng Central Committee. Pag-usapan pa iyan.” Yun nga, lumabas kami kaagad.
 
Q. Cellphone? Akala ko sabi mo kanina low bat na kasi brownout nung Sabado?

A. Yung isang cellphone low bat – at saka iyong cellphone namin na isa, kinuha ang battery ng cellphone, kasi ito magkakatulad.
 
Q. So umalis na kayo? Bumalik na kayo doon sa community?

A. Hindi. Lumabas na kami. Hindi kami pumunta doon kasi akala namin may putok pa diyan baka magka firefight na naman.
 
Q. Hapon na ito di ba? Nakita ninyo ang mga patay? Nabilang nyo?

A. Hindi na count – pero nakita syempre.

Q. Na marami

A. Oo. Na marami sila.

Q. Sa inyo? Ilan?

A. Sa amin, yung on the spot – yung napatay sigurado yun na monitor ko. Nakuha ko lang walo ang nakuha sa amin. Sa akin dalawa. Eighteen daw lahat pati ang civilian

Q. Anong oras talaga nag tigil-putukan?

A.  Mga 2:30 pero may puputok pa dito kasi maraming grupo na sumali na hindi na namin alam kung anong grupo na sumali.

Q. Anong mga grupo?A

A. Hindi ko alam kung BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters) o civilian. Kung ano, hindi ko lang alam. Pero sa amin talaga sa 105th pagtanggap namin sa order ng base commandant, umalis kami kaagad alinsunod sa kautusan ng mga pinuno

Q. May mga nagsasabi na “overkill” ang ginawa ninyo sa SAF. Na

A.  Yun ang sasabihin nila kasi galit sila sa amin. Kahit anong sabihin nila, nagsasabi pa sila na “massacre” pero paano ang massacre eh engkwentro? May napatay sa amin, sila pa ang unang bumaril. Paanong sabihin na massacre? Pero maraming sumasakay na hindi gusto ang kapayapaan. Gusto nila ang hindi kapayapaan. Kasi sila marami silang pagkain doon. Sa amin, magsasaka kami. Kung may gyera dito sino kayang mag araro? Sino kayang mag-farm kung may eroplano na magbomba sa amin? Hindi namin gusto ng labanan, ng gyera.

Q. Marami din po ang nagsasabi na yung mga buhay pa na SAF ay pinatay nyo.

A. Hindi po totoo. Sa amin po bawal barilin ang patay at ang hindi na makalaban.

Q. May mga nakita ba kayo, may mga kwento na may mga Amerkano daw na kasama?

A. Yun ang sabi ng iba. Meron. Pero wala kaming exactly nakita.

Q. Yung eroplano, yung drone?

A. Before nangyari, lahat naglibot, lahat eroplano. Ano sa inyo yun? Drone? Mula 8 ng gabi hanggang may putok pa meron pang eroplano.

Q. Yung nagputukan na, may napansin ka na may naglibot?

A. May putok na, meron

Q. Ano yung.. kayo ba ang naghubad – idiretso ko na lang ho ha? Kayo po ba ang naghubad ng mga suot saka mga vest at mga armas ng mga SAF?

A. Armas ang kinuha namin. Pagdating namin sa mga bangkay nila, kinuha namin ang mga armas nila. Ganon ang patakaran ng labanan na kunin ang mga baril kahit saan magkalabanan ganon ang patakaran alinsunod po iyan sa United Nations hindi lang sa amin. Parti yang sa mga largo (pants), hindi namin alam kasi yun ang pagtanggap namin ng order na umalis na kami. Di nga namin naubos kuha ang baril dahil sa pagsunod ng kautusan na pull-out na. Maraming nakapalit sa amin na ibang grupo at mga sibilyan.

Q. So ang sinasabi ninyo ang kinuha niyo lang baril?

A. Baril lang ang kinuha namin. Ang iba pa may nakita na mga pouch na walang baril pero baril lang ang kinuha namin.

Q. Ilan ang kinuha ninyo na baril?

A. Sa taas na lang kayo magtanong sa kanila na lang. Sa Central Committee.

Q. Maraming nagsasabi na dapat isoli ninyo yung nakuha nyo na mga baril saka mga gamit ng SAF.

A. Tungkol diyan, may pinuno kami, may Central Committee at may base commander kami. Kung ano ang pasya nila, alinsunod kami sa kanila. Nandito kami sa baba.

Q. Gibaligya na man daw?

A. Ang iba siguro may gibaligya na iba pero sa ngayon way pa kami kabalo kung ano pa ang natabo.

Q. Yang shades na suot mo, sa SAF ba yan?

A.  Ahh, hindi. Hindi iyan sa SAF. Galing sa abroad ito.

Q. Ikaw mismo, anong nakuha mo?

A, Hindi ako nakakuha ng baril tumingin lang ako sa mga tao ko.

Q, Meron bang, ano dito ang galing sa SAF? (Points to firearms carried by his men)

A. Wala, wala dito galing sa SAF. Ito yung mga baril na naengkwentro nila.

Q. Ilan kayo nakipag-engkwentro sa kanila?

A. Nagsimula kami 35. Yun ang inambush ng SAF.

Q. Tapos ang reinforcement?

A.  Marami naman dumating sa amin na reinforcement kasi yun ang patakaran sa amin — walang utos-utos kapag yung 105th may bumaril, lahat ng 105th pwede ring pumunta kung kaya alamin kung ano yan.

Q. Sa tantya mo, ilan ang nagreinforce sa inyo?|

A. Marami na siguro, umabot ng 70 o 100. Hindi na natin mabilang. Hindi tayo makabigay ng fixed na number.

Q. Yung mga namatay, sa umaga lang o may hapon pa?

A. Hanggang ala una pumuputok pa ang baril nila. Ibig sabihin buhay pa sila. Pero konting-konti na lang ang putok. Ang matindi na labanan yung 7 a.m. hanggang 11 a.m.

Q. Kailan ninyo nalaman na isa lang ang naiwan?

A. Hindi namin alam. Yung naiwan sumabit sa water lily. Hindi namin nakita.

Q. Ito ang pinakamatindi sa dami ng patay – gobyerno, MILF, civilian – sa isang araw lang.

A. Maraming nangyayari na nag nagko-coordinate MILF at gobyerno. Kami pa ang humahunting ng mga kidnapper, maraming pumasok ang mga military by coordinate. Yung pagkaka alam namin, pagpasok na wala nagcoordinate, kalaban talaga. Sana nagcoordinate lang sila. May ceasefire na pinaiiral. Diyan nagkamali, dyan sa walang coordinate at saka nagkamali pa rin sila dito (Sitio Amilil) sila lumagay ng back up samantala yung target nila (Marwan) mga sobra 2 kilo(meters) pa. Sila ang pinakamagaling na pulis, Special Action Force commando pa. Bakit dito lumagay ng back-up habang ang target doon?

Q. So ang tingin nyo dapat hindi dito ang exit nila?

A. Hindi dito kasi mas malapit doon. Yan ang problema. Mali ang nagawa pero ngayon dinagdagan pa nang mali. Ang mali dapat sana iche-check. Paano ikorek pero ngayon ang mali dinagdagan pa nang mas mali pa sa mali. So gaya ng politicians, itigil daw ang BBL (Bangsamoro Basic Law) habang ang BBL yun ang matagal na namin pinagpaguran marami nang buhay na nawawala sa amin. Bakit ganoon? Maraming nagsasabi barilan, barilan. Sino ang naapektohan? Sila? Hindi. Kami dito.

Q. Sa tingin ninyo hindi dapat itigil ang deliberations ng BBL? Dapat ipagpatuloy?

A. Kaya nga humarap kami kasi nga nangyari ito. Hindi criminal ito. Encounter ito.

Q. Ito po ay paulit-ulit na tanong ng karamihan. Alam nyo pala na si Marwan nandyan lang ba’t di nyo sinumbong sa gobyerno?

A. Hindi namin alam na si Marwan nandyan. Doon nila nakita ang bahay na doon banda mga 2 kilo(meters) from here. Hindi namin alam kasi alam nila MILF kami. May pinagkasunduan sa gobyerno na tutulong kami sa paghanap ng mga criminal at nasubukan na iyan marami kaming operation sa mga shabu, mga criminal, mga kidnapper tutulong kami sa mga military. Hindi namin alam. Kung sana sinabi nila sa amin, hindi ganoon ang mawala.

Q. Sino pa pala ang mga armado dito kung sinasabi ninyo na hindi nyo kinuha ang mga uniporme?A

A,. Maraming mga tao na pumasok maliban sa amin pero yun ang hindi namin kilala. Hindi namin alam.

Q. Punta tayo sa Normalization kasi nagkakaroon ng epekto ang nangyari dito sa Mamasapano doon sa usaping BBL di ba so magkakaroon ng most likely delay. Meron din tayong Normalization di ba? Kayo po ba, alam ba ninyo kung anong ibig sabihin ng Normalization o ano sa pagkaintindi ninyo sa Normalization?

A. Yung baril hindi namin iyan isuko dahil hindi kami sumusuko dahil buhay pa kami pero ibigay ito doon sa mga IMT (he meant the Independent Decommissioning Body or IDP). Sila ang magpamahala sa mga baril. Sumusunod kami doon pero hindi pa dumating.

Q. Yung mauuna, 20 crew-served and mga 55 na other firearms.

A. 75

Q. Pag nag-peace agreement, ibig sabihin supposedly partners na kayo ng gobyerno. Sa MNLF noon na-integrate sa military or police pero dito sa inyo merong Bangsamoro police, etc. Ano ang mangyayari sa mga combatants na katulad ninyo?

A. Ang nakakaalam ang mga officers namin, kung anong gawin nila sa amin. Sa akin lang, basta wala nang gulo, pwede akong mag farm na walang bakwit bakwit, na walang eroplano mag bomba sa amin. Ang Jihad na tinatawag, hindi iyan pangarap na maging President ka. Ang pangarap paano mapayapa ang buong tao, ang buong bansa natin.

Q. Hindi mo ma-miss ang baril mo?

A, Pwede na ibenta iyan, ibigay sa military. Magnegosyo ka na kasi wala namang labanan, kay wala naman umaatake sa amin.

Q. Marunong ka bang mag farm?

A. Hindi naman tayo rebolusyonaryo. Tingnan mo yung kamay natin (shows his palms). Ibig sabihin araro ang capital bago gumamit ng baril.

Q. Marami rin po ang nagsasabi na dapat isurender kayo, yung mga nakipaglaban sa SAF.

A. Depende sa order ng base (command). Di natin napag-usapan ang pag-surrender kasi may pinuno tayo. Wala tayong magawa pero kung ikaw, tatanungin kita, ano kaya kung kami ang naubos? Ano ba ang gagawin ninyo, pupunta ba kayo dito kung kami ang napatay lahat? Ano kaya? Yun ang tanong ko lang.

Q. Sa tingin ninyo kung kayo ang naubos walang pupunta dito?

A.  Bakit pag kami ang nakapatay malaki sa gobyerno? May pumpboat sa pagbakwit gibomba ng plane ng gobyerno patay lahat. Hanggang ngayon walang katarungan.

Q. Yung pamilya na sumakay sa dalawang pumpboat at natamaan ung isa? Sa Butilen? 2008.

A.  Oo. Yun.

Q. Nakinig ba kayo sa sinabi ni Presidente?

A. Nakinig kami na kahit sino sasagasaan niya

Q. Kay Usman

A. Walang problema kung mag coordinate, hahanap din kami (kay Usman) pero ang tanong ko sa inyo, yung pumuputok na bomba sa Maynila kanino ba yan? Kanino ba yan? Ibig sabihin ilang Marwan ang mapatay? Ilang Basit ang mapatay hindi pa titigil ang mga bombing. Pumutok sa Davao pumutok sa Maynila kanino ba iyan?.. Sana tanungin ninyo dahil yun ang totoo, yun ang totoong nangyari. Hindi namin alam na na merong SAF dito, police dito. Kung hindi kami pinaputukan, dadaan lang kami,wala sa isip namin na may tao diyan sa mais, hindi mangyayari ang nangyari.

Q. So ha-huntingin nyo si Usman?

A. Oo.

Q. Sabi rin dapat isurrender ninyo si Usman.

A. Bakit kami mag surrender hindi namin tao si Usman. Tutulong kami maghanap.

Q. Sasabihan kayo ng gobyerno “mag operate kami huwag kayong sumama. Mag-atras lang kayo.”

A. Mag atras kami? Depende yan sa order kasi dadaan muna ang order sa Central Committee, bumaba naman sa chief of staff, bumaba naman dito sa front, bumaba naman dito sa base commandant at bumaba naman sa mga field commandant. Sa amin, kung ano ang sabihin nila yun ang mangyayari.

Q. So ikaw yung unit na nagpatumba sa SAF?

A. Marami kami pero ako yung naabutan nila bilang isang operation commandant. Naawa kami sa mga kapatid natin (sa SAF). Hindi natin inaasahan ang nangyari. Kaibigan natin ang SAF pero wala na tayong magawa na ganito ang nangyari. Pero ang awa natin hindi lang gawa-gawa kundi yung tunay. Kahit tingnan ang puso namin, kung pwede lang.

Q. Dahil hindi sila dapat napatay?

A. Napatay sila pero wala tayong nagawa. Nag-agawan na ng buhay pero wala tayong magawa. Kung hindi kami nagpaputok, kami ang mamatay.

http://www.mindanews.com/top-stories/2015/02/13/q-and-a-with-milf-commander-haramen-on-mamasapano-walang-eroplano-walang-bazooka/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.