Saturday, February 21, 2015

BIFF binayo ng militar sa Cotabato

From the Mindanao Examiner Blogsspot site (Feb 21): BIFF binayo ng militar sa Cotabato (BIFF pounded by the military in Cotabato)

Isang malaking operasyon ang inilunsad ngayon ng militar kontra Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa North Cotabato na kung saan ay unang nagsagupaan ang rebeldeng grupo at Moro Islamic Liberation Front.

Sinabi ni Capt. Jo-ann Petinglay, ang spokeswoman ng 6th Infantry Division, na tinutugis pa rin ng 7th Infantry Battalion ang BIFF matapos na targetin ng militar ang kuta nito sa bayan ng Pikit.

Unang pinasok ng mga sundalo ang Barangay Bulol na kung saan ay naipit ang BIFF at nagpatuloy ang sporadic clashes hanggang sa kinahapunan sa bayan ng Sultan sa Barongis sa katabing lalawigan ng Maguindanao.

Patuloy rin ang clearing operation ng militar sa Kabasalan Complex sa North Cotabato matapos itong lisanin ng BIFF. Nais umanong makasiguro ng militar na walang iniwang bomba ang mga rebelde sa lugar.

Hindi pa mabatid kung ilang ang casualties ng BIFF dahil sa patuloy na labanan, ngunit sinigurado ni Petinglay na hindi titigil ang mga tropa sa paghahabol sa mga rebelde. Walang inulat si Petingalay na nasawi o sugatan sa militar. 

“The 6th Infantry Division and the police authorities will not allow these rebel group to continue and create havoc and fear among the populace in the areas involved, and we will exert utmost effort to contain the fighting in specific areas so that it will not spill over adjacent barangays to ensure that order and security will be restored,” pahayag ni Petinglay sa Mindanao Examiner.

Kamakailan lamang ay nagsagupaan ang MILF at BIFF dahil sa agawan sa lupain at teritoryo at ilang katao ang inulat na sugatan at nasawi sa labanan.

http://www.mindanaoexaminer.net/2015/02/biff-binayo-ng-militar-sa-cotabato.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.