From the Philippine Star Ngayon (Jan 25): 3 NPA rebels patay sa encounter
CPP NPA Flag
Tatlong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang habang marami pa ang nasugatan makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Mat-I, Surigao City kamakalawa ng umaga.
Sa phone interview, sinabi ni Brig. Gen. Jonathan Ponce, Commander ng Armys 402nd Infantry Brigade, dakong alas-10 ng umaga ng makasagupa ng 4th Infantry Division (ID) ang grupo ng mga rebeldeng NPA sa lugar.
Ayon kay Ponce ang bakbakan ay tumagal ng 15 minuto na ikinasawi ng tatlong rebelde na binitbit sa pagtakas ng kanilang mga kasamahan kasama ang marami pang bilang ng mga nasugatan.
Sinabi ni Ponce na grupo ng mga rebeldeng nakaengkuwentro ng tropa ng mga sundalo ay ang grupo ni Pablo Logamitan alyas Ka Lucas na siyang responsable sa panununog ng mga heavy equipment na pag-aari ng isang mayamang negosyante sa Brgy. Mabini ng lungsod kamakailan.
Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang M16rifles, isang M203 grenade launcher, isang M653 rifle at sampung backpacks na naglalaman ng mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.
http://www.philstar.com/probinsiya/2015/01/25/1416386/3-npa-rebels-patay-sa-encounter
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.