Friday, September 19, 2014

7ID, may bagong pinuno ng Civil Military Operations

From the Philippine Information Agency (Sep 18): 7ID, may bagong pinuno ng Civil Military Operations (7ID, has new head of Civil Military Operations)

FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija -- Opisyal nang naupo si Colonel Wilfredo Villahermosa bilang bagong pinuno ng Civil Military Operations ng Army 7th Infantry Division (7ID) kapalit ni Lieutenant Colonel Eugenio Batara Jr. na bagong kumander ng 3rd Infantry Battalion.

Sa kanyang mensahe sa katatapos na turnover ceremony, pinasalamatan at pinuri ni 7ID Commander Major General Glorioso Miranda ang mga napagtagumpayang operasyon ni Batara saka hinimok na pag-igihin pa ang pagsusumikap at magagawa sa bagong panunungkulan.

Kanya ring hinihimok ang mga kumander, opisyal, at mga kasundaluhan ng mga battalion nasa ilalim ng 7ID na ipakita ang kakayahan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga stakeholders upang sama-samang mapagtagumpayan ang kapayapaan, kaayusan , at kaunlaran ng mga nasasakupang lugar.

Miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1990, si Villahermosa ay nanilbihang pinuno ng Bravo Company ng 11th Infantry Battalion ng 3rd Infantry Division, 8th Military Intelligence Battalion ng 8th Infantry Division; at 42nd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division.

http://news.pia.gov.ph/index.php?article=1961410844370

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.