From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Jun 1): Shariff Aguak, 1st Mechanized Brigade at MILF nagtulong-tulong sa peace project
Daan-daang katao ang nagtulong-tulong sa isang community clean-up program sa bayan ng Shariff Aguak sa lalawigan ng Maguindanao na kung saan ay isang medical mission rin ang inilunsad ng pamahalaang lokal at ng militar katuwang ang Moro Islamic Liberation Front.
Mismong si Shariff Aguak Mayor Zahara Upam Ampatuan ang nanguna sa naturang proyekto katuwang ang mga empleyado ng pamahalaan, at ang mga residente sa nasabing bayan. Ang clean-up drive at medical mission ay inulunsad bilang bahagi naman ng selebrasyon ng ika-apat na anibersaryo ng 1st Mechanized Brigade sa ilalim ng pamumuno ni Col. Gener del Rosario na naka-base sa bayan.
Nakibahagi rin ang MILF at ang lokal na pulisya at iba pang sektor sa naturang pagdiriwang bilang suporta sa komunidad at pakikiisa sa naturang proyekto. Natuwa naman ang mga residente sa nasabing proyekto at sa nakitang nilang pagkakaisa ng lahat sa bayan ng Shariff Aguak.
Kilalang peace advocate si Mayor Zahara at ilang beses na rin itong naglunsad ng kanduli o thanksgiving na dinaluhan ng MILF, pulisya at militar na nagsilbing palatandaan ng kanilang hangarin na magkaroon ng katahimikan hindi lamang sa Shariff Aguak o ibang bayan ng Maguindanao, kundi sa buong Mindanao at bansa.
“Tuloy-tuloy naman yun ating mga peace and development projects dito sa Shariff Aguak at suportado rin ng mga mamamayan at ibat-ibang mga sektor ang ating isinusulong dahil lahat naman tayo ay kapayapaan ang hangarin.
Nagpapasalamat rin tayo sa lahat ng mga sektor, sa militar, sa pulisya at sa MILF at napakaganda ng ating samahan dito,” ani Mayor Zahara sa panayam ng Mindanao Examiner.
Maging si Col. Gener ay ito rin ang tugon at ipinangako pa nito na suportado ng militar ang kapayapaan sa Mindanao.
Si Shariff Aguak Mayor Zahara Upam Ampatuan at Col. Gener del Rosario, ang commander ng 1st Mechanized Brigade, sa paglulunsad ng community clean-up drive at medical mission sa naturang bayan na matatagpuan sa Maguindanao, isa sa limang lalawigan sa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Mindanao Examiner Photo – Mark Navales)
http://www.mindanaoexaminer.net/2014/06/shariff-aguak-1st-mechanized-brigade-at.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.