From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Jun 28): Davao doble-alerto na dahil sa terorismo
Todo-bantay ang sundalong ito sa isang checkpoint sa Davao City. (Mindanao Examiner Photo)
Inilagay na ng militar sa mataas na alerto ang Davao City at iba pang mga kalapit na lugar nito matapos na pulungin ni Mayor Rodrigo Duterte ang mga awtoridad dahil sa umano’y banta ng terorismo.
Inamin ni Duterte na mismong si Pangulong Benigno Aquino ang siyang nagbigay sa kanya ng babala ukol sa banta. Hindi naman agad mabatid kung bakit si Aquino pa ang nagpasa ng impormasyon kay Duterte at hindi ang pulisya o militar.
Subalit sinabi naman ngayon Sabado ni Capt. Alberto Caber, ang tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, na bago pa man umanong sabihin ni Aquino kay Duterte ang ukol sa banta ay naka-alerto na ang militar at pulisya.
Hindi naman sinabi nito kung ipinasa ba nila kay Duterte ang anumang impormasyon ukol sa banta ng terorismo.
“The AFP and PNP units here are on the alert always even before the report of the President was announced. We have more than enough forces to secure Davao City and its neighboring towns and communities. Task Force Davao and the PNP are in charge of the security of the City and its people.”
“We have the support of the civilian and the rest of stakeholders. The local government unit and the military enjoy mutual cooperation in the pursuit of peace and stability of the City. Threats to the thriving City and its communities are always a daily challenges that your AFP and PNP in Davao are always ready to respond to its occurrence,” ani Caber sa ipinadala nitong pahayag sa Mindanao Examiner.
Samantala, sinabi naman ni Lt. Gen. Ricardo Rainier Cruz III, ang hepe ng Eastern Mindanao Command, na ipinag-utos na nito sa mga military intelligence units sa kanyang nasasakupan na beripikahin ang naturang banta. “The PNP Intelligence units are also doing the same efforts. We are working jointly with the PNP,” wika pa ni Cruz.
Hindi masabi ng militar at pulisya kung sino ang nasa likod ng banta o kung may kinalaman ba ang Jemaah Islamiya o Abu Sayyaf dito. Ilang beses na rin binomba ng Abu Sayyaf ang Davao City sa mga nakaraang taon.
http://www.mindanaoexaminer.net/2014/06/davao-doble-alerto-na-dahil-sa-terorismo.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.