Saturday, May 31, 2014

CPP/NDF-Bicol: Tigilan ang Kasinungalingan, Protocol sa Digmaan Sundin at Isaalang-alang Kapakanan ng Sibilyan sa Labanan!!!

NDF propaganda statement just posted to the CPP Website (May 25): Tigilan ang Kasinungalingan, Protocol sa Digmaan Sundin at Isaalang-alang Kapakanan ng Sibilyan sa Labanan!!!
Logo.ndfp
Maria Roja Banua
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
 
Nililinaw ng National Democratic Front (NDF-Bicol) ang partikular at tunay na pangyayari sa sityo Hukdong, Brgy Balocawe, Matnog, Sorsogon noong Mayo 23, 2014 ng 5:45 ng umaga.

1. Kubkob at hindi engkwentro ang tipo ng labanan kaya may sibilyang nadamay sa pangyayari . Sinasabi lamang nilang engkwentro para palabasin na pareho nasa kapasidad ang bawat panig para isagawa ang labanan. Pinalalabas din nila na lahat ng napatay ay mga kasapi ng tropa ng New People’s Arny at wala daw “colateral damage”.

2. Apat (4) ang kasamang namatay at naging martir sa nasabing labanan na sina Sonny “Ka Nick Pajarillo, Allan “Ka Randy” Bueza, Roderick “Ka Bryan” Gueta, Ken Bryan “Ka Bunso” Bigata at ang sinasabi nilang ika-5 sa napatay ay lehitimong sibilyan na may-ari ng kalapit na bahay na si Elias Garduque. Isa (1) ang nahuli na si Ka Russel sa labanan at ang ikalawang NPA na sinasabi nila ay asawa ng sibilyang napatay ay si Cynthia Garduque kasama ang kanyang anak na isang taong gulang ay sugatan na pinalipas pa ang sampung (10) oras bago lapatan ng kaukulang atensyong medikal. Nagmalasakit sana ang mga kapitbahay pero pinagbawalang lapitan ang mag-ina ng Philippine Army.

3. Gawa-gawang kwento lang ang sinasabi na “lulusubin daw ng NPA ang PNP Matnog na may dalawang (2) kilometro ang layo at natunugan lang daw ng 31st IBPA ang nasabing paghimpil ng mga kasama. Nandon ang presensya ng mga kasama upang magsagawa ng talakayan hinggil sa nangyayaring pananalasa ng Oplan Bayanihan at paano ipapaunawa ang kanilang mga karapatan ayon sa isinasaad ng mga batas sa digma. Sa nangyari, naulit na naman ang kasinungalingan ni Brig Gen Joselito Kakilala noong Nobyembre 2013 kung saan kinubkob ang mga kasama ng 31st IB na nagsasagawa ng relief, repair and rehabilitation program sa brgy Balocawe ay isang engkwentro dahil hinaharang daw ang relief goods na dala ng Philippine Army samantalang may ilang kilometro ang layo nito sa haywey patungong pier pa-Visaya.

Nahayag ang pagpapanggap ng Balikatan, CMO Operation Tuli at pagtulong sa Brigada Eskwela sa ipinapakitang asal berdugong operasyong militar ng 31st IBPA, 5th Scout Ranger Company sa ilalim ng pamumuno ng 903rd Infantry Brigade kasama pa ang Public Safety Unit ng Philippine National Police (PNP) sa aktwasyon nila sa paglulunsad ng gera simula Abril hanggang Mayo 2014.

Sadyang katangian ng Philippine Army ang di pagsunod sa batas ng digma upang tiyakin ang kaayusan ng isinasagawang digma. Katulad ng nangyayari sa Masbate na saklaw pa rin ng 903rd IBde sa ilalim ngpamumuno ni Brig Gen Joselito Kakilala at sa Camarines Sur na saklaw naman ng 42nd IBPA sa ilalim ng 902nd IBde hindi nila kilala ang sibilyan, protocol sa digma at batas kasunduan sa digmaan. Hindi rin sila marunong magbilang ng kaswalti sa digmaan, itinuturing nilang NPA pati silbilyan higit sa lahat hindi sila tinatamaan ng bala kaya di nabibilang ang kaswalti sa panig nila sa magkakasunod na labanan sa Brgy Calmayon hanggang nitong huli sa Brgy Balocawe. Hindi pa nakontento sa promosyon ng pagiging brigadier general si Joselito Kakilala nais pa nitong makuha ang 2.5 milyong reward sa pagkakapatay diumano kay Ka Cenon kaya pinipilit papirmahin sa pahayag ang kapitan na si Albor sa naganap na labanan na ikinasawi ni Rudy “Ka Uno Gracilla noong Mayo 5, 2014 sa brgy Cococabitan, Bulan.

Hindi mapapantayan ang kabayanihan ng mga dating parabadang na namatay sa labanan sa Brgy Balocawe na nagpasyang mag-armas at kamtin ang lipunang malaya na tumutugon sa interes ng mamamayan. Mamamayan hindi ang lakas pamutok at hayag na body count ng kalaban ang mapagpasya sa pagpapanalo ng digmaan. Naniniwala kami na saksi ang malawak na masa sa kanayunan sa tunay na nangyayari sa digmaan at sa puso nila patuloy na yayakapin ng taus puso ang rebolusyon sa kabila ng pagpapanggap ng kaaway na mga repormadong Philippine Army sila.

Pagbayarin sa kagyat ng pinsala ang Philippine Army sa mga apektadong sibilyan sa kanilang isinasagawang kubkob. Magkaisa at ipagtanggol ang mga karapatan ayon sa isinasaad ng batas sa digmaan. Sisikapin din ng lahat ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan na pagbayarin ang pasistang kaaway sa lahat ng kanilang krimen sa mamamayan at rebolusyon. Ibayong itataguyod ang kapakanan ng masa at rebolusyon sa gitna ng digmaan.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20140525_tigilan-ang-kasinungalingan-protocol-sa-digmaan-sundin-at-isaalang-alang-kapakanan-ng-sibilyan-sa-labanan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.