Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)

PAREHONG sibilyan ang napatay na si Henry Orbena at dinakip na si Bryan Gallega sa sagupaan sa tsekpoynt ng PNP sa Cabid-an, Sorsogon City noong gabi ng Enero 30. Taliwas ito sa pinalalabas ng pulisya na ang dalawa ay kabilang sa grupo ng New People’s Army na nakalaban nila.
Napag-alaman namin na ang magpinsang Orbena at Gallega ay mga trabahador sa planta ng coconut water na malapit sa pinangyarihan. Madali itong mapatutunayan ng kanilang mga katrabaho, kakilala at kapamilya sa kanilang lugar sa bayan ng Irosin.
Si Orbena ay tinamaan sa walang rendang pagpapaputok ng mga pulis. Pawang mga bala ng ripleng M16 ang nakapatay sa kanya. Puro maiiksing baril ang dala ng mga operatiba ng NPA.
Ayon sa mga sangkot na pulis, hinabol nila ang grupo ng NPA sa direksyong patungo sa Sea Breeze Subdivision at inabutan at nahuli nila si Gallega. Hindi doon ang direksyon ng pag-atras ng mga Pulang mandirigma kundi sa kabilang direksyon patungong Barangay Buhatan. Hindi rin totoo ang sinasabi ng PNP na naagawan sila ng NPA ng dalawang ripleng M16.
Nararapat lamang na aminin ng Sorsogon PNP ang mga katotohanang ito at harapin ang kanilang pananagutan sa pagkamatay ni Orbena at palabasin sa bilangguan ang hinuling si Gallega. Ang Celso Minguez Command ng NPA-Sorsogon ay makikipag-ugnayan din sa mga kaanak ng mga nadamay upang makapagpaabot ng anumang maitutulong sa kanila.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140201_mga-sibilyan-ang-napatay-nasugatan-at-nadakip-ng-pnp-sa-labanan-sa-sorsogon-city

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.