Thursday, December 19, 2013

CPP/NPA: NAAC-NPA-Rizal, ipapatupad sa unilateral na tigil putukan!

From the PRWC blog (Dec 19): NAAC-NPA-Rizal, ipapatupad sa unilateral na tigil putukan! (NAAC NPA-Rizal, enforce the declared unilateral ceasefire!)

Macario “Ka. Karyo” Liwanag
Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-RIZAL)
Disyembre 19, 2013


Ang lahat ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa lalawigan ng Rizal, kabilang na ang mga Yunit Partisano at Milisyang Bayan ay mahigpit na tatalima sa atas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (KS-PKP) at ng mga karampatang organo ng Partido sa lalawigan ng Rizal para sa tigil putukan bilang pakikiisa sa mamamayang Pilipino sa kanilang pagdiriwang sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

(All units of the New People's Army in the province of Rizal, including partisan and militia units must strictly adhere to the decree of the Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP-KS) and the competent organs of the Party in the province Rizal for ceasefire in solidarity with the Filipino people during their celebrations of Christmas and New Year.)

Idineklara din ang nasabing tigil putukan upang mabigyan ng pagkakataon ang sambayanang Pilipino at lahat ng rebolusyonaryong pwersa na dumalo sa mga pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng muling  pagkatatag ng PKP-MLM sa Dieyembre 26, 2013.

(The ceasefire was also declared to give all the Filipino people and revolutionary forces an opportunity to attend the celebration of the 45th anniversary of the reestablishment of the CPP-MLM Dieyembre 26, 2013.)

Ang tigil putukan ay magsisimula sa hatinggabi ng Disyembre 24 hanggang ika-12:59 ng gabi ng Disyembre 26, 2013 at hatinggabi ng Disymbre 31, 2013 hanggang ika-12:59 ng gabi ng Enero 2, 2014. Sa panahong ito, lahat mga pwersa sa ilalim ng NAAC-NPA-Rizal ay iiwas at hindi magsasagawa ng opensibang operasyon laban sa mga armadong yunit at tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at lahat ng pwersang paramilitary ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas. Sa panahong ito, ang lahat ng mga pwersa ng Philippine Army na nakabase sa Rizal tulad ng 16th IB-PA, 59th IB-PA, 2nd ID-PA.  Cafgu Active Auxillary (1st Rizal CAA Coy hanggang 5th Rizal CAA Coy) at mga pwersa ng PNP tulad ng Special Action Force (SAF-PNP), Regional Police Maneuver Batallion at 418th at 419thProvincial Police Maneuver Company kasama ang mga myembro ng local na Pulisya sa lalawigan ng Rizal ay malayang makapasok sa mga teritoryo  ng Demokratikong Gobyernong Bayan upang dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay, mga kapamilya at kaibigan upang magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.


Gayunpaman, habang hindi maglulnsad ng opensibang operasyon, pananatilihin ng NAAC-NPA-Rizal ang  aktibong depensa postura at magiging mapagmatyag sa pagpasok ng anumang yunit at pwersa ng AFP-PNP-CAFGU sa mga teritoryo ng Demokratikong Gobyernong Bayan. Batay sa karanasan sa mga nakaraang tigil putukan, ang mga pwersa ng Philipppine Army, laluna ang pwersa ng 16thIB-PA-2 nd ID-PA ay  tuloy-tuloy na ginagamit ang panahon ng tigil putukan para magsagawa ng operasyong paniktik at mga strike operations laban sa mga pwersa ng rebolusyonaryong kilusan. Anumang oras na sumalakay ang mga armadong pwersa ng Rehimeng US-Aquino ay nakahanda ang mga pwersa ng NPA-Rizal para lumaban bilang aksyon para ipagtanggol ang sarili at upang pigilan ang kaaway na magsagawa ng panunupil at brutalidad laban sa mamamayan.

Nanawagan kami sa mga ordinaryong sundalo at pulisya at sa mga batang opisyal ng AFP-PNP na huwag sundin ang utos ng kanilang mga opisyal na magsusubo lamang sa kanila sa kapahamakan. Sa halip na sundin ang utos ng kanilang mga opisyal na nais lamang makakuha ng promosyon ay pinakamaiman nang hindi sila pumasok sa teritoryo ng Demokratikong Gobyernong Bayan upang maiwasan na sila ay mapahamak.  Kung sakaling magpursige ang kanilang mga opisyal na paglunsarin sila ng operasyon at sa dina maiiwasang pagkakataon ay makaenkwentro nila ang mga tropa ng NAAC-NPA-Rizal ay dapat kagyat silang sumuko at ibigay na lamang ang kanilang armas upang maiwasan na mapinsala pa sila. Mas ang mainam na gawin nila ay umuwi na lamang sa kanilang mga pamilya para magdiwang ng pasko at bagong taon.

MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!*


http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/12/naac-npa-rizal-ipapatupad-ang-atas-sa.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.