Muling nanawagan ang kumander ng 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army na si Brigadier General Gregorio Pio Catapang Jr. sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP-NDF-NPA) na makiisa sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa paglaban kontra pagbabago ng klima.
(The commander of the 7th Infantry Division (7ID)of the Philippine Army, Brigadier General GregorioPio Catapang Jr., again called on the Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People'sArmy (CPP-NDF-NPA) to join the ArmyArmed Forces of the
Ani Catapang, hinihimok niya ang CPP-NDF-NPA na magdeklara ng bilateral ceasefire sa mga disaster-prone areas at tumulong sa konstruksyon ng mga paaralan na maaring maging evacuation centers tuwing may kalamidad.
(Catapang encouraged the CPP-NDF-NPA to declare a bilateral ceasefirein disaster-proneareas and contribute to the construction of theschools that may beevacuation centers during a disaster.)
Iginiit pa ng heneral na ang pananalasa ng bagyong Pablo sa Davao Region, na nagresulta ng pagkamatay ng libu-libo at pagkasira sa agrikultura at imprastraktura na nagkakahalaga nang lampas sa isang bilyong piso ay senyales sa lahat na dapat nang tignang bilang seryosong banta ang pagbabago ng klima.
(The general argued thatthe onslaught oftyphoon Paul DavaoRegion, which resulted in the deaths of thousands anddamage to agricultureand infrastructure valued at over a billion pesos, isall that should be needed to signal(the existence) of a serious threatsuch as climate change.)
Samantala, iniulat ni Catapang na umabot sa 9,881 kilograms o 10 tons ng relief goods ang naipamahagi ng 7ID sa mga biktima ng bayong Pablo sa tulong ng mga may mabubuting loob sa Nueva Ecija at iba pang bahagi ng Gitnang Luzon.
(Meanwhile, Catapang reported that 9,881 kilogramsor 10 tons of relief goods distributed by7ID reached the victims of (Typhoon) Pablo from areas within Nueva Ecija and other parts of
Ang mga relief goods ay binubuo ng bigas, assorted noodles, canned goods, mga trinelas at sapatos, mga gamit na damit, mineral water, assorted goods at toiletries.
(The relief goods consisted of rice, assortednoodles, canned goods, sandals andshoes, (along) with clothing,mineral water, assortedgoods and toiletries.)
Ito ay idineliver sa mga tropa ng 7ID sa Davao Oriental upang ipamahagi sa mga apektadong pamilya.
(These were delivered by 7ID troops and distributed to affected families in Davao Oriental.)
http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=561358774655
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.