Monday, January 21, 2013

Army 7ID continues pursuit of peace in Regions One and Three

From the Philippine Informtion Agency (Jan 22): 7ID ng Army patuloy sa hangarin ng kapayapaan sa Rehiyon Uno at Tres (Army 7ID continues pursuit of peace in Regions One and Three)

Inihayag ng 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army na patuloy o "on track" ito sa pagpanalo ng kapayapaan sa rehiyong Ilocos at Gitnang Luzon.

(The Philippine Army 7th Infantry Division (7ID) reported that it continues to be "on track" in winning the peace in Ilocos and Central Luzonregions.)

Ayon kay 7ID commander Brigadier General Gregorio Pio Catapang Jr, kanilang nalimitahan ang mga "ideological political organizing works" ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army gamit ang mga "Peace Development Teams" o Bayanihan Patrols na nag-uugnay sa pamahalaan at mamamayan sa mga malalayong lugar sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo.

(According to the 7ID commander Brigadier General GregorioPio Catapang Jr., they restricted the "ideologicalpolitical organizing works" of the Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People'sArmy with the "Peace Development Teams" or Bayanihan Patrolsthat link the government and people in remote areas by providing basic services.)

Noong 2012, nagpasa ng resolusyon ang mga Sangguniang Panlalawigan ng Zambales at Ilocos Norte na nagdedeklara sa kani-kanilang mga probinsya bilang “peaceful and ready for further development.”

(In 2012, the Provincial Councils of Zambales and Ilocos Norte passed resolutions declaringtheir provinces as"peaceful and ready for furtherdevelopment.")

Pumirma rin ng Memorandum of Agreement ang 7ID sa mga lokal na punong ehekutibo sa Bataan na may kahalintulad na deklarasyon.

(A Memorandum of Agreement with the 7IDwas also signed by the local chief executivein Bataanwith a similar declaration.)

Sinabi ni Catapang na ang deklarasyon na ito sa mga nabanggit na lalawigan ay magbibigay daan upang mas dumami ang mamumuhunan sa kani-kanilang mga lugar.

(Catapang said that the declarations issued by these provinces will result in more investors(coming) to their areas.)

Sa ngayon ang iba pang “insurgency-free” na sa Rehiyon Uno at Tres ay ang La Union, Aurora, Tarlac, Nueva Ecija at Pangasinan.

(Right now the other "insurgency-free" (provinces) in Regions One and Three are La Union, Aurora, Tarlac,Nueva Ecija andPangasinan.)

Hinikayat ni Catapang ang lahat na ngayong namamatay na ang paghihimagsik at ipinanganak na ang kapayapaan at kasaganahan ay dapat paghandaan naman ang panibagong digmaan -- ang digmaan laban sa epekto ng pagbabago ng klima upang maiwasang magkaroon ng pagkawala ng buhay at matinding pinsala tuwing may kalamidad.

(Catapang is encouraged by all the peaceand prosperity that has risen as a result of the dying rebellion (but cautions that we) mustalso prepare for thenew war - the war against the effectsof climate change in order to prevent lossof life and severedamage during adisaster.)

http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=561358774601

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.