Public Information Office
CPP Southern Tagalog Regional Committee
Communist Party of the Philippines
June 12, 2024
Higit na kinakailangang pag-ibayuhin ng sambayanang Pilipino ang pakikibaka para sa tunay na kalayaan, soberanya at demokrasya sa harap ng tumitinding panghihimasok militar ng imperyalistang US sa bansa. Sa paggunita ngayong Hunyo 12 sa ika-126 na araw ng “kalayaan”, nararapat na muling pagtibayin ng mga makabayan, progresibo at demokratikong pwersa ang panata na kamtin ang tunay na kalayaan at demokrasya sa balangkas ng pambansa-demokratikong rebolusyon para ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo.
Ang umiinit na tensyon sa West Philippine Sea (WPS) at ang pagsasangkalan dito ng papet na reaksyunaryong gubyerno at ng AFP ay nagkakaladkad sa bansa sa digmang agresyon o maging sa digmang proxy ng imperyalistang US laban sa China. Inililihis nito sa mapayapang negosasyon at diplomatikong pamamaraan ang paglutas sa usapin sa pinagtutunggaliang teritoryo at exclusive economic zone sa pagitan ng Pilipinas at China sa WPS. Higit nitong pinalalaki ang posibilidad na maipit ang bansa sa napipintong inter-imperyalistang gera at magdulot ng panganib sa kapakanan, kaligtasan at buhay ng sambayanang Pilipino.
Bukambibig ni Marcos Jr. na determinado umano siyang itaguyod ang kapayapaan, pandaigdigang pagkakaisa at “rule-based international order”, sa kalagayang nasa gitna ng pandaigdigang “flashpoint” ang Pilipinas. Gayunman, di nito mapasusubalian ang pagpapakita ng lubos na pagpapakatuta at pagpapagamit nito sa imperyalistang US sa ipinangangalandakan ng huli bilang patron ng kapayapaan sa Indo-Pasipiko na walang iba kundi ang interes nitong panatilihin at palakasin pa ang hegemonyang militar at ekonomya nito sa rehiyon. Mahigpit naman itong kinokontra at nilalabanan ng kapwa imperyalistang China. Ito ngayon ang nasa likod ng papatinding militarisasyon sa WPS kapwa ng mga pwersa ng US at China.
Malaking panlilinlang na ituring na malaya ang bansa sa katotohanan ng pagiging papet ng kasalukuyang rehimen at ng lahat ng reakyunaryong rehimen na humawak ng estadong malakolonya at malapyudal. Patuloy na ipinangalandakan ng US na ipinagkaloob nito ang kalayaan ng Pilipinas noong 1946, sa kabila ng lansakan nitong pagyurak sa kalayaan at soberanya ng bansa at pagpapanatili ng kontrol sa militar pulitika, ekonomiya at kultura ng bansa, kasabay ang pagpapanggap na “protektor” at “tagapaligtas” ng bayan.
Sa kabilang banda, sa “pagkakaloob” ng “kalayaan”, lalong pinatutunayan nitong lukob ng US ang bansa. Ang serye ng mga tagibang na kasunduang militar ay naglalantad sa katotohanang nilalapastangan ng imperyalistang US ang pambansang kalayaan at soberanya ng bansa. Matapos mapalayas ang mga base militar ng US noong 1991, binigyang bisa ng estado ang Visiting Forces Agreement para sa tuloy-tuloy na paglabas-masok ng tropang militar ng US sa bansa. Sa pagbaling ng US sa Asya-Pasipiko sa tinagurian nitong “pivot to asia” para pigilan ang paglakas ng kapwa imperyalistang China, nilagdaan ang Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA) noong 2014 na naka-angkla pa rin sa Mutual Defence Treaty. Ginamit ito ngayon para gawing lehitimo ang pagtatayo ng pinaraming base militar ng US sa mga “agreed locations” sa teritoryo ng bansa. Isa na rito ang bagong EDCA site na itinayo sa isla ng Balabac sa Palawan na nakaharap sa Spratlys islands kung saan may itinayong artipisyal na base ang China na kumpleto sa runways at missile system. Bago pa ito, tahimik na itinayo noong 2016 ang baseng nabal ng US sa Oyster Bay na tinaguriang `mini-Subic ” sa Palawan na kayang mag-akomoda ng malalaking barkong pandigma ng US.
Higit ding dumalas at naging malakihan ang paglulunsad ng joint-military trainings o Balikatan exercises ng magkasanib na AFP at US forces at nitong huli ay naka-disenyo sa paghahandang militar ng US laban sa China. Bago ang 2023, ang Balikatan exercises ay isinasagawa sa loob lamang ng mga kampo militar, subalit kaiba sa kasalukuyan nakatuon na ito sa opensa at depensang panghimpapawid, pangkaragatan at nakaayon sa pagpapahusay ng inter-operability ng pwersang US at AFP at pagpapalakas ng depensa sa “first island chain” para sa pag-ensirkulo sa China. Sa ganitong wangis, inilunsad ang katatapos lamang na pinakamalaking 38th Balikatan exercises nitong Abril at ang isasagawa pang ikalawang serye ng Cope Thunder-24 war games sa pagitan ng Philippine Airforce (PAF) at ng US Airforce ngayong Hunyo 17-28. Napapabalita rin ang presensya ng mga tropang US sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ng Timog Katagalugan.
Nakababahala rin ang papalaking pondong inilalaan ng US sa AFP na tiyak na hihigop sa bansa sa inter-imperyalistang gera sa tabing ng modernisasyon ng AFP at sa diumano’y mutwal na layunin para sa kapayapaan sa Indo-Pasipiko. Inihayag ni US Defense Secretary Lloyd Austin na maglalaan ang US sa taong 2025 ng USD128 milyon para pondohan ang 36 infrastructure projects sa mga EDCA sites. Dodoblehin nito ang dami ng dati nang ipinatayo sa mga ito. Liban pa ito sa nauna nang USD109 milyon na inilaan na pondo sa implementasyon ng mga EDCA projects. Mayroon ding panukalang batas ngayon sa US na dagdagan ang taunang USD40 milyon US military aid o Foreign Military Financing (FMF) sa Pilipinas sa halagang USD500 milyon. Nitong Enero napaulat na ang Pilipinas ang bansang may pinakamalaking nakuhang tulong para sa depensa sa buong rehiyong Pasipiko ayon sa US Department of Commerce-International Trade Administration.
Bahagi rin ng paghahandang sikolohikal na papabor sa mapandigmang interes ng US ang ginagatungan nitong sinophobia o pagkatakot sa China sa hanay ng mga Pilipino. Kasabay naman nito ang pagpipresenta sa sarili bilang tagapagtanggol ng kapayapaan sa daigdig, habang nagwawasiwas ng terorismo, digmang agresyon, henosidyo sa iba’t ibang panig ng mundo na pinadurusahan ng mga aping bayan at mamamayan sa daigdig katulad nagaganap sa ngayon sa Gaza. Nitong nakaraang linggo, bumisita sa bansa si Volodymyr Zelensky, pangulo ng Ukraine na kilalang kalyado ng US/NATO para personal na hingin ang suporta ni Marcos Jr. na inihalintulad ang Pilipinas sa Ukraine na kalaban din umano ng blokeng Russia at China.
Kaakibat ng kontrol sa pulitika at militar, ipinataw ng imperyalistang US ang mga neoliberal na patakaran sa ekonomiya ng bansa para higit pang makapanghuthot ng supertubo ang mga monopolyo kapitalista kasabwat ang lokal na naghaharing uring burgesyang kumprador-panginoong maylupa. Higit nitong iginupo ang naghihingalong lokal na produksyon sa bansa at ibinaon sa higit na pagdurusa ang masang anakpawis at malawak na sambayanan na malaon nang pinahihirapan ng pyudal at malapyudal na pagsasamantala. Nito lamang nakaraang linggo, inaprubahan ni Marcos Jr. ang pagbawas ng taripa sa mga produktong ini-import tulad ng bigas mula sa 35% tungong 15% bigas at maging sa coal sa dahilan na pabababain umano nito ang presyo ng pagkain at enerhiya. Subalit nakaayon pa rin ito sa neoliberalisasyon na panibagong dagok sa lokal na produksyon at para sa higit pang pananamantala ng mga monopolyo kapitalista at mga burgesyang-kumprador.
Ang kalayaan sa ekonomiya ay kalayaan sa pulitika. Ngunit malayo ito sa hinagap ng Pilipinas na isang bayang malakolonyal at malapyudal. Sa ganitong diwa ang Hunyo 12 ay hindi pagdiriwang sa huwad na kalayaan, bagkus ito ay pagsariwa sa daantaong pagpapahirap na ipinataw ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo sa bansa at pagbuhay sa diwang patriyotiko ng mga Pilipinong mapagmahal sa pambansang kalayaan at demokrasya. Ito’y pagpupugay rin sa lahat ng nakibakang mamamayan at sa mga bayaning nag-aalay ng kanilang buhay at dugo para sa dakilang hangaring mapalaya ang bayan sa dayuhang pang-aapi at pambubusabos.
Malaking ang hamon sa kasalukuyang pwersang patriyotiko at demokratiko na ipaglaban ang kalayaan at soberanya ng bansa sa harap ng imperyalistang panghihimasok militar at agresyon maalinman sa US at China. Dapat manindigan para sa tunay na kalayaan at independyenteng patakarang panlabas, taliwas sa pagiging papet at paninikluhod sa imperyalistang kapangyarihan. Dapat makibaka para sa tunay na pambansang kalayaan at soberanya sa balangkas ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Higit sa lahat, kailangang masapul ng bawat Pilipino na ang tunay na kalayaan ay yaong iginigiit at ipinaglalaban upang ganap na matamasa.
Kinakailangan ang malawak na pagkakaisa ng mga magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, propesyunal at lahat ng makabayan at demokratikong uri at sektor sa pamumuno ng uring proletaryado para sa kalayaan, demokrasya at sosyalismo. Ang pagpapaigting ng anti-imperyalistang pakikibaka, kaakibat ang pakikibakang anti-pyudal at anti-pasista ang magdadala sa katapusan ng lipunang malakolonyal at malapyudal at kamtin ang isang tunay na malaya, nagsasarili, demokratiko, makatarungan at masaganang Pilipinas.
https://philippinerevolution.nu/statements/pag-ibayuhin-ang-rebolusyonaryong-pakikibaka-para-sa-tunay-na-pambansang-kalayaan-at-demokrasya-sa-harap-ng-lantarang-pagyurak-ng-imperyalismong-us-sa-kalayaan-at-soberanya-ng-bansa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.