Tuesday, April 2, 2024

CPP/NPA-Central Luzon ROC: Pasistang AFP, bigong pulbusin ang NPA!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 3, 2024): Pasistang AFP, bigong pulbusin ang NPA! Fascist AFP, failed to pulverize the NPA!
 


Central Luzon Regional Operational Command
New People's Army

April 03, 2024

Habang tila sirang-plakang paulit-ulit na inihahayag ng AFP na pupulbusin nila ang NPA sa katapusan ng Marso, paulit-ulit din silang napapahiya sa bawat enkwentro. Wala ni isang nasugatan sa hanay ng NPA sa naganap na engkwentro sa Barangay Galintuja, Aurora noong Marso 22, 2024.

Sa takot na mapahiya, minanipula ang balita at social media. Walang inakong kaswalti ang magkasanib na batalyong nag-ooperasyon—84th IB at 91st IB. Habang nagpapakalat naman ng mga pekeng balita at letrato ng mga sundalong patay at sunog ang katawan ang kanilang mga troll accounts sa Facebook para palabasing “terorista” ang NPA.

Sa labis na desperasyon ng AFP, mga walang kalaban-labang masa ang kanilang pinagdidiskitihan. Mula pa Disyembre 2023, walang patid na nanghahalihaw na sa kagubatan ang mga sundalo at pulis sa probinsya ng Aurora. Nagpakat ng mga RCSP o Retooled Community Support Program sa 10 baranggay para maghasik ng teror sa masa. Binabantaang kakasuhan at raratratin ng bala ang sinumang magbibigay ng tulong o magpapatuloy ng NPA. Labis na pangamba rin ang dulot sa mga masa ng madalas nilang pagpapalipad ng drones sa mga pook obrahan. Ipinagbabawal ang pagbabaon ng maraming bigas sa mga bukid. Sinisita maging mga pinamiling paninda ng may mga tindahan. Ginigipit at tinatapakan ang otoridad maging mga opisyal ng barangay. Mas masahol pa sa panahon ng batas militar at pananakop ng mga Kastila ang pagkontrol ng sundalo sa populasyon. Inoobliga ang lahat na magpagawa ng cedula at dalhin ito saanman magpunta. Pinakikialaman ng sundalo maging ang personal na buhay ng masa. Ultimo bumibisitang kamag-anak sa bahay ay inoobligang iulat sa sundalo.

Hindi pa nasapatan sa dulot ng perwisyo ng ilang buwan nang operasyon, pilit pang inaabala ang mga masa sa trabaho para obligahing dumalo sa mga papulong ng sundalo at pilit na paniwalain sila sa itim na propaganda laban sa NPA.

Bukod dito, ginagamit din nila ang estilo ng pagpapanggap para linlangin ang masa. Ngunit sila’y bigo, pagkat kilala ng masa kung sino ang tunay na terorista. “Marami sila kadua, mga nakabota rin tapos ganyan sa damit nyo, yung iba butas-butas pa, pero nahalata naming hindi NPA dahil tinapak-tapakan nila ang tanim namin at hinarabas pa ang mga kamote,” ani ng isang magsasaka.

Taliwas sa pahayag ng AFP na tinip ng mga sibilyan ang NPA, sa katunayan ay mga masa mismo ang umalalay sa mga kasama na ligtas na makalayo sa lugar.

https://philippinerevolution.nu/statements/pasistang-afp-bigong-pulbusin-ang-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.