Saturday, March 16, 2024

CPP/NPA-Masbate: Lumalalang mga abuso at paglapastangan sa paghahari ng takot

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Mar 14, 2024): Lumalalang mga abuso at paglapastangan sa paghahari ng takot (Widespread abuses and violence in the reign of fear)
 


Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

March 13, 2024

Panibagong palabas na labanan ang ipinakana ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army sa Sityo Cayang, Barangay Liong, bayan ng Cataingan noong Marso 11, 2024. Walang yunit ng NPA sa naturang lugar.

Nagdulot ng takot, laluna sa mga senior citizen, ang walang habas na pagpapaputok ng militar sa naturang lugar. Dahil din sa takot, napuwersa ang mga barangay official na pumirma ng sertipikasyong nagpapatotoong may naganap na labanan.

Ito na ang panlima sa serye ng mga palabas na labanan na isinagawa sa naturang baryo, na nagsimula noon pang Setyembre 2023. Layunin ng naturang mga pagpapaputok na palayasin ang mga residenteng naninirahan sa kabukiran at ipunin sila sa baryo upang madaling makamkam ang mga nilisang kalupaan. Dahil din sa kabiguang matugis ang NPA, nagpapakana na lamang ng mga pekeng labanan ang militar para makurakot ang reward at pondong nakalaan sa kada operasyon.

Sinisimulan na rin ang pagpapalayas sa mga magsasaka ng Triple A matapos patayin ang matandang mag-asawang sina Pedro at Florencia Regala sa Barangay Tuboran, bayan ng Cawayan.

Mauulit nang mauulit ang mga pangyayaring ito kung maghahari ang takot sa masa. Nananawagan ang Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate sa mga Masbatenyo na magtiwala sa sariling lakas at pagkakaisa. Hindi titigil ang pang-aalipusta at paglapastangan kung hindi kikilos at lalaban ang masa. Asahang hindi pababayaan ng NPA-Masbate at ng Partido ang mga Masbatenyo sa kanilang pakikibaka.

https://philippinerevolution.nu/statements/lumalalang-mga-abuso-at-paglapastangan-sa-paghahari-ng-takot/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.