Andrei Bon Guerrero
Spokesperson
NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
September 02, 2023
Nangangarap nang gising ang rehimeng US-Marcos II sa pagdedeklarang ‘insurgency-free’ ang probinsya sa pagbubukas ng National Peace Consciousness Month kahapon, Setyembre 1 sa Puerto Princesa City. Ipinagmalaki ni Marcos II ang tagumpay umano ng gubyerno, ng AFP at ng NTF ELCAC sa pagsugpo sa rebolusyon sa Palawan at buong bansa at na nalinis na umano nila ang lahat ng erya ng NPA sa Palawan. Para suportahan ito, muling ipinagyabang ng NTF-ELCAC ang diumano’y pagkalansag nila sa 69 larangang gerilya sa buong bansa. Muling inilahad ni Ernesto Torres, tagapagsalita ng pasistang ahensya ang inimbentong datos na 20 na lang umano ang natitirang larangang gerilya sa buong bansa, 19 ang di na aktibo at isa ang aktibo na nasa Northern Samar. Ang mga di aktibo umano ay pito sa Visayas at tig-anim sa Luzon at Mindanao.
Sadyang mangmang at pulpol si Marcos, tulad ng kanyang ama at sampu ng kanilang mga alipures sa pag-aakalang magagapi nila ang rebolusyon at ang determinasyon ng mamamayan na labanan ang lahat ng tipo ng pang-aapi at pagsasamantala. Mas lalong hibang ang mga militaristang nakapalibot kay Marcos tulad nina Galvez, Año, mga heneral ng AFP at NTF-ELCAC, na naturingang mga upisyal militar pero walang alam sa mga diyalektikal na batas ng digma. Nangangarap silang may kapayapaan sa bansa habang kabi-kabila ang karahasan at pagdaralita ng taumbayan na kagagawan mismo ng gubyerno at mga pasistang institusyon nito. Nakapangingilabot ang paulit-ulit na pagpuri sa mga pasista-teroristang institusyon na pangunahing responsable sa mga panghahalihaw, pambobomba at pagwasak sa mga komunidad sa kanayunan, pagyurak sa karapatang-tao kabilang ang pagpaslang sa mga sibilyan at paglabag sa mga kasunduan at batas ng digma.
Sa kabilang banda, kakatwang sinasabi nila ito habang ibinabalita rin ng mga field units ng AFP ang mga nagaganap na taktikal na opensiba at mga labanan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pinakahuli sa mga ito ang matagumpay na ambus ng NPA Quezon kahapon sa tropa ng 85th IBPA at CAFGU sa Tagkawayan. Tulad ng Palawan, ang lalawigan ng Quezon ay idineklara ding insurgency free ng papet na rehimen ni Bongbong Marcos nito lamang Hunyo, 2023. Sa labanang ito, nakasamsam ng limang armas ang Pulang hukbo at halos malipol nila ang siyam-kataong tropang pasista kung saan napaslang ang lima at nasugatan ang tatlo pa. Higit sa lahat, sinasabi nila ito habang nasasaksihan ng mga karaniwang sundalong nakapakat sa iba’t ibang lugar sa bansa ang sukdulang pagkamuhi ng masa sa kanila at pagpapalayas sa mga salot na tropa at kampo militar.
Ang totoong motibo ni Marcos II at mga alipures niya ay palabasing nagtatagumpay ang kanilang kontra-rebolusyonaryong pakana para maging kaiga-igaya ang probinsya sa pagganyak ng dayuhang pamumuhunan at imperyalistang pandarambong. Sa kasalukuyan, nakalatag na ang mga kontrata at dayuhang pamumuhunan sa enerhiya, ekoturimo at pagmimina sa Palawan. Nilalayon pa ng rehimen kasabwat ang mga burukrata kapitalista sa lokal na gubyerno ng probinsya na higit na ihain ang iba’t ibang bahagi nito sa dayuhan. Syempre pa, sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea, desperado silang ipakita sa among imperyalismong US na handang-handa na ang papet na hukbong ibala sa kanyon sakaling sumiklab ang imperyalistang gera sa pagitan nito at ng China.
Ngunit habang malaganap ang panunupil, pagsasamantala at karalitaanan sa buong bayan, laging may batayan ng armadong paglaban ng mamamayan. Nakalimutan ata ni Marcos II at mga alipures niyang ang tinutuntungan at pinoprotektahan nilang sistema ng lipunang malakolonyal at malapyudal ang mismong ugat ng daantaong pambansa-demokratikong pakikibaka ng sambayanan, na siyang ipinagpapatuloy ng New Peoples Army sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines. Isinusulong nito ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon na saligang pundasyon ng pambansang kaunlarang hinahangad ng sambayanang Pilipino. Hindi nga ba’t paulit-ulit itong pinatotohanan sa nakaraang 54 na taong maningning na kasaysayan ng rebolusyonaryong pakikibaka sa ilalim ng wastong pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM). Mula sa halos wala ng itatag ito noong Marso 29, 1969, sumulong at lumakas ang Bagong Hukbong Bayan at rebolusyonaryong kilusan at nakamit nito ang walang kaparis na pagsulong at paglakas sa kasaysayan ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino. Binigo nito ang mga operasyong kitilin sa usbong at mga kampanyang supresyon na 26 na taong inilunsad ng diktadurang US-Marcos at ang sumunod pang mga operational plan ng sumunod na mga papet na rehimen. Nilampasan nito ang lakas na inabot ng lumang rebolusyon na inilunsad nina Andres Bonifacio, maging ang lakas ng Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) at ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB). Mga batayang katotohanan itong paulit-ulit na ipinagwawalang-bahala at itinatapon ng estado sa sulsol ng US at AFP.
Ang digmang bayan, sa Palawan at buong kapuluan ay makatarungan na nakaugat sa marubdob na hangarin ng bayang ibagsak ang imperyalismong US, pyudalismo at burukrata-kapitalismo upang kamtin ang tunay na kalayaan at demokrasya sa Pilipinas kaya tinatamasa nito ang pinakamalawak na suporta ng mamamayan. Pinatunayan na ng kasaysayan ng pakikibaka sa buong daigdig ang superyoridad ng digmang bayan kahit sa napakalakas at napakalupit na digma ng mga pinakamakakapangyarihang bansa. Sadyang daraan ito sa landas na tipong paikid kung saan hindi tuwid ang pag-abante, baku-bako’t liku-liko ang landas, may mga pinsala at pansamantalang pag-atras, pero kailanma’y hindi ito magagapi, tuloy-tuloy na sumusulong at tiyak na magtatagumpay.
Gaanuman kahirap at kalupit ay puspos ng determinasyon ang BVC-NPA Palawan na isulong ang digmang bayan sa Palawan at mag-ambag ng ganang-kaya sa muling pagpapalakas at pagpapaigting ng pakikidigmang gerilya sa buong bansa. Ang kawalang kaparis na kahirapang dinaranas ng masang Palaweño, ang nagpapatuloy na suporta ng mamamayan at kabayanihan ng mga rebolusyonaryong martir sa Palawan ang aming inspirasyon sa muling pagsulong at pagbawi hanggang sa tagumpay!#
https://philippinerevolution.nu/statements/hanggat-may-pang-aapi-at-pagsasamantala-palaging-may-batayan-ang-digmang-bayan-sa-palawan-at-buong-kapuluan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.