Leona Paragua
Spokesperson
NDF-Palawan
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
September 03, 2023
Binabati ng National Democratic Front of the Philippines – Palawan, kaisa ng buong mamamayan ng probinsya, ang malaking tagumpay ng mamamayan ng Brooke’s Point na maipatigil ang operasyon ng mga mapaminsalang mina ng Ipilan Nickel Corporation (INC) at Celestial Nickel Mining Exploration Corporation (Celestial Mining). Muling napatunayan na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagsalig sa sariling lakas ng mamamayan maipagwawagi ang kanilang laban para sa karapatan, kabuhayan at kalikasan.
Resulta ng mga serye ng pagkilos, barikada at pagpepetisyon ng mamamayan ng Brooke’s Point mula pa Pebrero, naglabas ang Korte Suprema ng writ of kalikasan noong Agosto 15 laban sa dalawang pribadong kumpanya ng mina na INC at Celestial Mining, gayundin sa dalawang reaksyunaryong institusyong maka-mina na Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Mines and Geosciences Bureau (MGB). Kaugnay nito, napilitan ding maglabas ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)-MIMAROPA ng cease and desist order o atas ng pagpapatigil sa operasyon ng dalawang mapaminsalang mina.
Ang pagkasandal sa pader ng reaksyunaryong gubyerno ay iniresulta ng di-magagaping diwa ng mamamayan ng Brooke’s Point na protektahan ang kalikasan at likas na yaman ng Mt. Mantalingahan at ng lokal na mga komunidad, laluna ang lupaing ninuno ng mamamayang minoryang nakaasa ang buhay, panirahan at kabuhayan dito. Hindi napigil at nasupil ang pakikibaka ng mamamayan ng Brooke’s Point sa kabila ng mga maniobra ng mga kumpanya sa mina na ipatigil ang mga protesta at ipagpatuloy ang pangwawasak nito sa kalikasan ng Mt. Mantalingahan at ng buong probinsya. Ang mga pasistang hakbangin ng mararahas na dispersal at iligal na pag-aresto sa mga nagpoprotestang mamamayan ang higit na nagpaalab sa damdamin ng mamamayan na huwag sumuko sa laban. Nahubaran din ang DENR, MGB at AFP-PNP bilang mga kasabwat ng mga mapaminsalang pribadong kumpanya ng mina, at sa gayo’y mga kasangkapan upang higit na wasakin at huthutan ng yaman ang kalikasan ng Palawan at iba pang bahagi ng bansa.
Dapat halawan ng buong mamamayan ng Palawan ng magandang aral ang kilusang masang ito ng mamamayan ng Brooke’s Point, at taglayin ang diwang palaban at militante upang tuluy-tuloy na ipagtanggol ang karapatan at kabuhayan ng mamamayan at ang kalikasan ng probinsya. Magsisilbing inspirasyon ang tagumpay na ito upang isulong pa ang mga kahalintulad na pakikibaka para ipatigil na ang operasyon ng mga mapaminsalang dayuhan at lokal na malalaking kumpanya ng mina sa Mt. Bulanjao at Mt. Gantong at iba pang mga protektadong lugar sa probinsya.
Habang dapat na ipagdiwang ang malaking tagumpay na ito ng mamamayan ng Brooke’s Point, panimula pa lamang ito at dapat na maging mapagbantay sa tusong mga hakbangin ng INC, Celestial Mining at iba pang mga dayuhan at malalaking korporasyon at mina. Dapat nilang ipagpatuloy ang kanilang laban at kunin ang suporta ng buong mamamayan ng Palawan para pigilan ang mga pagtatangkang ito kasabwat ang lokal na reaksyunaryong gubyerno na magpatupad ng iba’t ibang mga hakbangin para makapanumbalik ang operasyon ng mapaminsalang mina. Kabilang sa mga hakbanging ito ang panlilinlang sa kapwa mamamayan ng probinsya sa tabing ng balighong paggamit ng katagang “responsableng pagmimina” at diumano’y pagbibigay ng kabuhayan sa mamamayan. Kaugnay nito, dapat ipresyur ang lokal na reaksyunaryong gubyerno na bigyan ang mga manggagawang maaapektuhan sa pagpapatigil ng operasyon ng mina ng ibang kabuhayan na hindi nangwawasak sa kalikasan, kabuhayan at karapatan ng kapwa mamamayan.
Samantala, dapat na unawain ng nakikibakang mamamayan ang mga hangganan ng pakikibakang ligal, lalo’t malaon nang napatunayan ang pagiging marahas at mapanlinlang ng papet na reaksyunaryong estado sa mamamayang nagsusulong ng kanilang mga batayang karapatan. Ang malakas na pakikibaka laban sa dambuhalang mina ay mahigpit na iugnay sa kabuuang pakikibaka laban sa estadong malakolonyal at malapyudal na nagpapanatili ng kahirapan at pagsasamantala sa bansa, gayundin sa imperyalismong nagkukumpas rito at silang pangunahing nakikinabang sa paghuhuthot at pagwawasak sa kalikasan. Ipinakita at pinatunayan ng rebolusyonaryong kilusan ang sinseridad nito sa pagpapatigil ng mapangwasak na dayuhang pagmimina sa bansa sa mga inilunsad nitong hakbang pamamarusa sa mga kumpanyang ito sa Palawan. Tampok na halimbawa ang mga punitibong aksyon ng demokratikong gubyernong bayan, sa pamamagitan ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan laban sa mga kumpanyang Ipilan Nickel Corp at Macro-Asia Mining Corp. noong 2010; Citinickel noong 2016 at Agumil.
Dapat na isulong ang demokratikong rebolusyong bayan kasama ang iba pang mga demokratikong uri at sektor sa lipunang Pilipino na inaapi at pinagsasamantalahan. Dapat na palakasin ang pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas sa probinsya, isulong ang armadong pakikibaka, at palawakin ang mga lihim at rebolusyonaryong organisasyong masa sa Palawan upang makamit ang kalutasan sa malaon nang suliranin at hinaing ng masang Palaweño sa kanilang buhay, kabuhayan, karapatan at kagalingang panlipunan.###
https://philippinerevolution.nu/statements/ipagbunyi-ang-tagumpay-ng-mamamayan-ng-brookes-point-laban-sa-mapaminsalang-mina-ng-inc-at-celestial-mining/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.