Tuesday, September 5, 2023

CPP/NDF-PKM-Sorsogon: 22nd IB PA, salot sa buhay at kabuhayan ng mga Sorsoganon

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Sep 5, 2023): 22nd IB PA, salot sa buhay at kabuhayan ng mga Sorsoganon (22nd IB PA, plague on the lives and livelihood of Sorsoganons)
 


Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid - Sorsogon
NDF-Bicol
National Democratic Front of the Philippines

September 05, 2023

Kinukundena namin sa pinakamataas na antas ang patuloy na paglabag sa karapatang tao ng tropa ng 22nd IBPA at sa pagbulabog sa paghahanapbuhay ng mga Sorsoganon sa mga bayan ng Barcelona, Gubat, Irosin, Juban at Bulan.

Sa paulit ulit na pagpapatawag ng mga ito sa mga sibilyan sa walang katuturan na patipon ng mga militar upang takutin, magpasumpa ng katapatan sa bulok na estado at magsunog ng kung anu-anong bandila ay matinding abala naman sa hanapbuhay at takot ang nararanasan ng mga magsasaka.

Sa naging patipon ng 22nd IB sa Barangay Sangat, Gubat nitong ika-10 ng Agosto , at ilang residente ng Barangay San Bartolome, Sta. Magdalena at Barangay San Antonio, Barcelona noong ika-20 ng Agosto, ay sapilitang pinasumpa ng katapatan ang mga sibilyan at nagsunog ng mga bandila habang binabantaan sila na ituturing na rin ng mga militar na “NPA” ang sinuman na tumulong o magbigay kahit tubig sa mga rebolusyonaryo. Ikatlong beses ng “panunumpa” ito ng mga residente ng Barangay San Antonio.

Kasalukuyang naman nag ooperasyon ang mga pasistang militar sa Barangay Olandia, San Antonio, Putiao at Sta. Lourdes sa bayan ng Barcelona; sa Barangay Manapao sa bayan ng Gubat; sa Barangay Sipaya, Barangay Calateo, Barangay Maalo, Barangay Calmayon, Brgy Lajong sa bayan ng Juban; sa Barangay Cogon sa bayan ng Bulusan; sa Barangay Tongdol at Barangay Gabao sa bayan ng Irosin; at sa Barangay Calpi at Barangay Cadandanan sa bayan ng Bulan.

Halos di na makapunta sa pinagtatrabahuan ang mga magsasaka sa mga barangay na nilulunsaran ng operasyon dahil sa matinding takot na baka pag intiresan sila o harasin ng mga ito.

Takot rin ang hatid sa mga residente ng pagtayo ng maliit na detatsment ng 22nd IB sa Barangay Bagacay, Barcelona at sa planong pagtatayo ng detatsment sa Barangay Sangat, Gubat.

Apektado naman ang pag-aaral ng mga estudyante ng San Isidro National High School at San Isidro Elementary School sa bayan ng Bulan dahil sa walang patumanggang pagpapaputok ng mga militar sa loob ng kampo ng 22nd IB sa barangay. Ayon sa ilang mga residente, hindi na nila pinapasok ang kanilang mga anak sa mga naturang eskwelahan dahil sa takot na hatid ng presensya ng mga militar at sa posibilidad na madamay sila sa barilan.

Kaugnay nito, mariin kaming nananawagan sa mamamayang Sorsoganon na patuloy na manindigan at labanan ang mas lumalalang militarisasyon sa prubinsya. Sama-sama nating alpasan ang takot at tuloy-tuloy na i-expose ang kahit anong uri ng pang-aabuso ng mga militar. Nananawagan din kami sa mga residente ng mga barangay na pinagooperasyunan ng mga militar na makipagtulungan sa mga rebolusyonaryong organisasyong pangmasa maging sa Bagong Hukbong Bayan upang higit pang pataasin ang antas ng pakikibaka laban sa mga pasista, mamamatay-tao at mga halimaw na tropa ng 22nd IBPA.

Pambansang Katipunan ng mga Magsasaka-Sorsogon

https://philippinerevolution.nu/statements/22nd-ib-pa-salot-sa-buhay-at-kabuhayan-ng-mga-sorsoganon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.