Posted to the 7th Infantry "Kaugnay" Division Facebook Page (Sep 3, 2023): People’s Organization sa Tarlac, sumailalim sa Financial and Business Literacy Training (People's Organization in Tarlac, underwent Financial and Business Literacy Training)
7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine ArmyPeople’s Organization sa Tarlac, sumailalim sa Financial and Business Literacy Training
FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija – Sumailalim ang Solid Indigenous New Adventures Guide (SINAG) sa isang Financial and Business Literacy Training na pinangunahan ng Public Employment at Service Office (PESO) Tarlac at kasundaluhan ng 3rd Mechanized Infantry Battalion na ginanap sa Sitio San Pedro Covered Court, Barangay Iba, San Jose, Tarlac nitong ika-31 ng Agosto 2023.
Ang nasabing pagsasanay ay isang hakbangin ng PESO Tarlac bago ang pagbibigay ng nakalaang kagamitang pangkabuhayan sa mga miyembro ng naturang organisasyon na nagkakahalaga ng limang-daang libong piso (Php500,00.00) upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman at maayos na pamamalakad ng kanilang napiling pangkabuhayan-Tour Guiding Package at Souvenir Making.
Laking pasasalamat ng mga miyembro ng SINAG sa pagbabahagi sa kanila ng sapat na kaalaman patungkol sa usaping pangkabuhayan at sa tulong na ipinapamahagi sa kanila ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga ibat-ibang ahensya nito sa kanila.
Nagpasalamat naman ang Focal Person ng PESO Tarlac sa pangunguna ni Ms. Luzviminda Lalu sa pakikipagtulungan ng 3rd Mechanized Infantry Battalion upang mailapit ang SINAG sa kanilang ahensya at maipamahagi ang kanilang programang pangkabuhayan para sa nasabing organisasyon.
Pinuri din niya ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng bawat miyembro ng SINAG dahil sa pagiging aktibo nito sa mga isinagawang pagpupulong upang mapag-usapan at maiayos ang mga dokumentong kakailanganin para sa nasabing pangkabuhayan.
Samantala, binigyang-diin naman ni Lieutenant Colonel Jeszer M. Bautista ang Commanding Officer ng 3rd Mechanized Infantry Battalion ang pagsisikap ng PESO Tarlac at iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang masuportahan ang mga pangangailangan at pangkabuhayan ng nasabing organisasyon.
“Sa ganitong paraan ay napapanatili natin ang pag-unlad ng mga miyembro ng nabuong organisasyon at naipaparamdam natin sa kanila na ang mga ahensya ng pamahalaan ay seryoso sa kanilang layunin na maipaabot ang mga programang nakalaan para sa mga nangangailangan,” ani Lt. Colonel Bautista.
Ikinatuwa naman ni Major General Andrew D. Costelo PA, Commander ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army ang patuloy na pagtutulongan ng 3rd Mech Bn at ng PESO Tarlac para sa ikaka-unlad ng People’s Organization sa kanilang lugar.
“Ating hinihikayat ang mga miyembro ng organisasyon na ito na gamitin ang kanilang natutunan at dagdag na kasanayan base sa kanilang natutunan sa Financial and Business Literacy Training na lubos na makakatulong sa kanilang hanapbuhay. Narito ang inyong kasundaluhan katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang kayo ay alalayan sa inyong mga adhikain na makakabuti sa inyong mga hinaharap,” ayon kay MGen. Costelo.
3rd Mechanized Infantry Battalion, Armor Division, Philippine Army
#KaugnayInAction
#TeamKaugnay
#AFPyoucanTRUST
https://www.facebook.com/photo/?fbid=621902193402109&set=pcb.621902610068734
https://www.facebook.com/kaugnay7id/posts/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.