Monday, September 11, 2023

2 terorista patay sa sagupaan ng MILF at Dawlah Islamiya sa MagSur

 Posted to the Notre Dame Broadcasting Corporation (NDBC) Website (Sep 11, 2023): 2 terorista patay sa sagupaan ng MILF at Dawlah Islamiya sa MagSur ( 2 terrorists killed in a clash between the MILF and Dawlah Islamiya in MagSur) (By: DXMS NDBC)



AMPATUAN, Maguindanao Sur - TUMAGAL NG halos 30 minuto ang bakbakan sa pagitang ng 118 base command ng MILF sa ilalim ni Saga Malandag at Dawla Islamiya Hassan Group sa ilalim naman ni Abdulnasser Guianid sa Barangay Mother Tuayan Datu Hoffer Maguindanao del Sur kaninang umaga.

Sa panayam ng DXMS Radyo Bida kay 601st Brigade Commander Brig. General Oriel Pangcog, sinabi niyang hindi pagkaka-unawaan ng dalawang panig ang ugat ng bakbakan.

Agad na pumwesto ang tropa ng 40IB sa lugar pero makalipas ang 30 minuto ay humupa ang bakbakan.

Nang pasukin ng militar at PNP ang encounter site ay natagpuan ang bangkay ng dalawang kasapi ng Dawlah Islamiyah.

Ang dalawa ay wala pang pagkakakilanlan. Wala namang nadamay na sibilyan dahil sa bakbakan.

Handa din ang Army sa posibilidad na gaganti ang mga terorista sa pagkasawi ng kanilang kasamahan.

https://www.ndbcnews.com.ph/news/2-terorista-patay-sa-sagupaan-ng-milf-dawlah-islamiya-sa-magsur

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.