Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
August 06, 2023
Noong Agosto 4, alas 10:00 ng gabi pinaulanan ng bala ng dalawang elemento ng 31st IBPA ang bahay ni ABC President at Punong Barangay na si Erwin Vista ng Alin, Donsol, Sorsogon. Nangyari ito ilang araw matapos iparating ni kapitan sa CO ng 31st IBPA na nakabase sa Pangpang, Donsol ang tungkol sa pagkakalat ng basura ng mga militar at pag-iwan ng dumi sa CR ng Evacuation Center ng barangay. Ilang araw na ginawang baraks ng mga militar ang nasabing pasilidad habang naglulunsad ang mga ito ng RCSP operation sa nasabing barangay at mga karatig nito.
Marami ang nakasaksi na ang nagpaulan ng bala sa bahay ni kapitan ay umuwi sa Pangpang detatsment sakay ng motorsiklo matapos ang pangyayari.
Sa halip na disiplinahin ang mga bastos na tauhan, lumalabas na minasama ng CO ang ipinaabot na lehitimong reklamo ni kapitan. Malinaw din na paglabag sa kondukta ng digma ang paggamit ng mga militar sa mga pampublikong pasilidad tulad ng evacuation center bilang baraks.
Kinaumagahan matapos ang nasabing insidente, gumawa ng drama ang kaaway sa barangay Tongdol sa parehong bayan. Pinagalitan ng nag-ooperasyong militar ang punong barangay dito dahil sa diumano’y nakatagong mga armas sa kanilang barangay. Binantaan din si kapitan na mananagot ito kapag may makuhang armas sa lugar. Pagkatapos nito ay inutusan ng mga militar ang ilang tanod at iba pang opisyal ng barangay na maghukay sa itinuro nilang lugar para kunin ang isang M14 rifle at mga bala na militar din ang nagbaon.
Ang ganitong mga pangyayari ay patunay lamang na hindi nauubusan ng pakana ang AFP upang pagtakpan ang kabiguan nilang paluhurin ang masa at buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ng Sorsogon.
Nitong ring buwan ng Hulyo sapilitang tinipon ng mga militar ang mahigit 30 sibilyan mula sa mga barangay ng De Vera, Baras at Alin sa parehong bayan at muli na namang pinasumpa bilang mga surenderi. Ayon sa mga sibilyan una na silang pinasumpa noong Oktubre 2021, kasabay ng pangakong tulong para sa kabuhayan at pangkaunlarang proyekto sa kanilang barangay.
Subalit hanggang ngayon wala kahit isa man lang sa mga pangako ang natupad, wala kahit piso mula sa pondo ng E-CLIP ang naibigay sa mga sibilyang pilit na pinasurender. Malaking kasinungalingan din ang ipinagyayabang mga militar at NTF-ELCAC na P20 milyong badyet sa bawat barangay sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP) dahil hanggang sa ngayon ay wala pang nakikitang proyekto sa nabanggit na mga barangay.
Sa ganito, nananawagan ang CMC – NPA Sorsogon sa mamamayang Sorsoganon na huwag matakot na ilantad at labanan ang mga panlilinlang at maruming pakana ng AFP/PNP na pinamumunuan ng korap at pasistang rehimen ni Bongbong Marcos Jr. na pumiperwesyo at naglalagay sa panganib sa buhay ng mga sibilyan at opisyal ng barangay.
Laging nakahanda ang CMC – NPA Sorsogon sa pagtupad ng tungkuling ipagtanggol ang mamamayan at papanagutin ang mga berdugong AFP/PNP na patuloy ng naghahasik ng panlilinlang at terorismo sa mamamayan.
https://philippinerevolution.nu/statements/terorismo-ng-estado-sa-sorsogon-lalong-lumalala/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.