Wednesday, August 9, 2023

CPP/Ang Bayan: Pulis at sundalo, pinatamaan ng BHB-Central Negros

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Aug 7, 2023): Pulis at sundalo, pinatamaan ng BHB-Central Negros (Police and soldiers, hit by NPA-Central Negros)
 





August 07, 2023

Dalawang opensibang aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros laban sa mga sundalo ng 62nd IB sa nagdaang dalawang linggo.

Isa ang napatay at isa ang nasugatan sa yunit ng 62nd IB na nakahimpil sa detatsment sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental matapos paputukan ng mga Pulang mandirigma noong Hulyo 30. Layunin ng aksyon na bulabugin ang operasyong kombat ng mga sundalo.

Simula Hulyo 19 hanggang Hulyo 30, ipinakat ang 200 sundalo sa mga barangay ng Trinidad, Luz at Plagatasanon Proper sa Guihulngan City. Naiulat sa panahong ito ang kanilang iligal na panghahalughog sa mga bahay ng mga residente. Kinampuhan din nila ang Kambairan Elementary School sa Barangay Trinidad.

Nasugatan naman ang isang pulis sa pagpapaputok ng BHB sa detatsment sa Sityo Hinugpayan, Barangay Luz, Guihulngan City noong gabi ng Agosto 2.

Sa isa pang operasyong haras, nasugatan ang isang sundalo ng 62nd IB sa Barangay Sikatuna, Isabela, Negros Occidental noong Hulyo 25.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/08/07/pulis-at-sundalo-pinatamaan-ng-bhb-central-negros/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.