Thursday, August 24, 2023

CPP/Ang Bayan: 9 na armas, nasamsam ng BHB sa Negros

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Aug 21, 2023): 9 na armas, nasamsam ng BHB sa Negros (9 weapons, seized by the NPA in Negros)






August 21, 2023

Nakumpiska ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isla ng Negros ang apat na riple at limang pistola sa dalawang taktikal na opensiba sa nagdaang dalawang linggo. Naiulat din ang ambus ng BHB-Masbate laban sa mga CAFGU at ahenteng militar.

Inambus ng BHB-Northern Negros ang kontra-insurhensyang yunit ng Philippine National Police (PNP) na nagpapatrolya sa Sityo Calanugan, Barangay Minapasuk, Calatrava, Negros Occidental noong Agosto 9. Nasamsam sa kanila ang apat na ripleng armas, isang .45 kalibreng pistola at mga bala.

Napatay sa pananambang ang isang pulis at nasugatan ang tatlo pa sa ambus. Samantala, tiniyak ng hukbong bayan ang kaligtasan ng mga sibilyang lulan ng isang canter truck at sasakyang pang-reskyu na kasunod ng sasakyang pampatrulya ng pulis.

Sa Negros Oriental, nakumpiska ng BHB-Central Negros ang apat na pistola mula sa ahente ng militar na si Pen-pen Fajardo sa Sityo Mora, Barangay Pinukawan, Vallehermoso noong Agosto 13. Si Fajardo ay kilalang nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa mga sundalo. Marami rin siyang kaso ng pang-aabuso at panggigipit sa mga residente, kabilang ang walang patumanggang pamamaril sa komunidad.

Sa Masbate, nasugatan ang mga elemento ng CAFGU at kasama nilang mga vigilante na ahente ng militar sa ambus ng BHB sa Barangay Bonifacio, Uson, Masbate noong Agosto 9. Sakay sila ng isang pick-up truck nang pasabugan ng mga Pulang mandirigma.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/08/21/9-na-armas-nasamsam-ng-bhb-sa-negros/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.