Monday, May 29, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Limos na programang ‘food stamp’ ni Marcos Jr, insulto sa anakpawis

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (May 29, 2022): Limos na programang ‘food stamp’ ni Marcos Jr, insulto sa anakpawis (Marcos Jr's 'food stamp' alms program, an insult to the poor)
 





May 29, 2023

Insulto sa masang anakpawis ang limos na programang ‘food stamp’ na nais ipatupad ng rehimeng Marcos Jr sa bansa, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. “Bigyan naman natin ng dignidad ang ating mamamayan. Nagugutom na nga ang karamihan, ituturing pang parang pulubing namamalimos ng pagkain,” pahayag ng grupo.

Inianunsyo kamakailan ni Marcos Jr ang planong magpatupad ng isang Food Stamp Program sa bansa para bigyan diumano ng alibyo ang mahihirap at gutom na Pilipino katuwang ang Asian Development Bank.

Giit ng KMP, huwag sanang ituring ang mga Pilipino na mga pulubing nanlilimos. “Malala ang problema ng kagutuman at hindi ito masusulusyonan lamang food stamps. Kaya nitong masagot ang isa o dalawang beses na pagkain ng isang pamilya pero paano ang kinabukasan at pangmatagalan?” dagdag ng KMP.

Paninindigan ng grupo, ang sagot sa dinaranas na kahirapan ng mayorya ng mga Pilipino ngayon ay disenteng trabaho, kabuhayan, ayuda at abot-kayang presyo ng pagkain.

Ayon naman sa grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), imbes na ‘food stamp’ dapat bigyan ng suporta sa lokal na produksyon ang mga magsasaka at mangingisda para sa epektibong pagtugon sa kagutuman sa bansa.

“Mas sustenable kung magpapatupad ng pangmatagalang…programa ang administrasyong Marcos na layong palakasin ang lokal na produksyon sa agrikultura at pangingisda,” paliwanag ng Pamalakaya. Matitiyak umano ng malakas na lokal na produksyon ang istableng suplay at murang pagkain sa merkado.

Paniniwala ng dalawang grupo na ang pagsusulong ng programang ‘food stamp’ ng gubyerno ay nagpapatunay lamang ng labis na pagkainutil ni Marcos Jr na tugunan ang krisis sa pagkain sa bansa. “Ang pamamahagi ng food stamp ay ang pinakawalang-silbi sa lahat ng mga palyatibong hakbang na maaaring ibigay ng gubyerno,” ayon pa sa KMP.

Sa konserbatibong taya ng Philippine Statistics Authority noong 2021, nasa 19.99 milyong indibidwal o 18.81% ng kabuuang populasyon ang nabubuhay ng mas mababa sa poverty threshold ng bansa na P12,030.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/limos-na-programang-food-stamp-ni-marcos-jr-insulto-sa-anakpawis/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.