Wednesday, March 15, 2023

Kalinaw News: Tatlong miyembro ng NPA nagbalik-loob sa gobyerno sa Matuguinao, Samar

From Kalinaw News (Mar 15, 2023): Tatlong miyembro ng NPA nagbalik-loob sa gobyerno sa Matuguinao, Samar (Three members of the NPA converted to the government in Matuguinao, Samar)



Brgy. Bag-otan, Matuguinao, Samar|| Bandang alas 12 ng tanghali, tatlo (3) na namang myembro ng CPP-NPA ang nagbalik-loob sa tunay na gobyerno. Ang isa rito ay pinuno ng isang pangkat na namumugad at humahawak sa mga Barangay na sakop ng Bayan ng Matuguinao, at ang dalawa nama’y kanyang mga pinagkakatiwalaang nasasakupan.
Bagama’t paubos na ang CTGs dito sa atin AOR, patuloy pa rin ang paghihikayat ng mga ito sa mga nabawing barangay, na ngayo’y ELCAC BARANGAYS, na umabib uli sa kanila.

Pero sa kalauna’y napagtanto nila na hindi ito ang tamang laban sa bugay, kundi ang makiisa sa demokrasya kasa ang pamilya at ang totoong gobyerno , na may malasakit at tunay na pagkalinga sa tao.

Dahil sa huwARAN program ni Mayor Aran dela Cruz Boller na naglalayong maiangat ang pamumuhay at isulong ang pangkalahatang pag-unlad, at ipagpauna ang tunay na kapayapaan at pagkakasundo sa pagitan ng mga rebelde at pamahalaan, ipinagkatiwala nitong ating mga kapatid ang kanilang taos-pusong pagbalik-loob sa kawan ng ating batas.
Nagpapasalamat ang ating butihing alkalde,

Aran dela Cruz Boller, sa ating mga kapatid sa kanilang kagustuhnag mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang pamilya at kalinga ng ating gobyerno. Kasabay nito, ay ang kanyang pakiusap at panawagan para sa mga natitira pa sa bundok na bumaba na at makipagsundo tulad ng iba.

Hinihikayat din ng alkalde ang mga kaibigan, kapamilya at mga kapatid na patuloy parin sumusuporta sa kilusan na unawain ang buhay na bigay ng maykapal, at gamitin ito sa para sa kaayusan at kapayapaan sa bayang kanyang hinirang. Hindi paghihimagsik ang sukatan ng pag-uusap at kalutasan ng mga di pagkakasundo, kundi ang pagbibigay ng mga akmang mungkahi sa angkop na pamamaraan.
Ang ating pagpupugay at parangal inaalay natin sa ating Poong Maylikha.

Salamat sa ating ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES, PHILIPPINE NATIONAL POLICE, PNP-SAF at ibang pang sangay ng pamahalaan na tumulong sa atin sa maayos na PAGBALIK-LOOB ng ating mga kapatid.





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/tatlong-miyembro-ng-npa-nagbalik-loob-sa-gobyerno-sa-matuguinao-samar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.