Wednesday, March 15, 2023

Kalinaw News: “Isa na namang dating kontak at supporter ng Communist NPA Terrorist, kusang loob na nag suko ng M16 A1 Rifle”

From Kalinaw News (Mar 15, 2023): “Isa na namang dating kontak at supporter ng Communist NPA Terrorist, kusang loob na nag suko ng M16 A1 Rifle” ("Another former contact and supporter of the Communist NPA Terrorists, voluntarily surrendered an M16 A1 Rifle")



Sa tuloy-tuloy na community visitation at puspusang kampanya na isinasagawa ng 85IB at Kapulisan, isang dating kontak at supporter ng Communist NPA ang kusang loob na nag suko ng M16 A1 rifle ngayong 14 ng Marso taong kasalukuyan sa himpilan ng 85IB, Brgy White Cliff, San Narciso, Quezon.

Ayon sa nagsuko, bilang dating kontak o supporter ng armadong grupo, pinagkatiwalaan at ipinatago sa kanya ng mga NPA ang nasabing armas. Ngunit dahil sa sunod-sunod na labanan na nagdulot sa pagkamatay ng mga teroristang NPA at sa walang tigil na community visitation ng mga kasundaluhan at kapulisan sa kanilang lugar naisip na niyang ipagbigay alam at isuko ang nasabing armas.

Dahil dito taos pusong nagpasalamat si Lieutenant Colonel Joel R Jonson; ang Battallion Commander ng 85IB sa patuloy na pagtitiwala ng mga mamamayan sa sinsiridad at hangarin ng pamahalaan para sa kapayapaan at kaunlaran. Kasabay nito, ang pagbibigay ng kaunting pabuya sa nagsuko ng Armas.





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/isa-na-namang-dating-kontak-at-supporter-ng-communist-npa-terrorist-kusang-loob-na-nag-suko-ng-m16-a1-rifle%ef%bf%bc/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.