Friday, March 3, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Protesta kontra Herrera Law, inilunsad ng mga manggagawa

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 2, 2023): Protesta kontra Herrera Law, inilunsad ng mga manggagawa (Protest against Herrera Law, launched by workers)
 





March 02, 2023

Nagprotesta ang mga manggagawa kanina sa Commission on Human Rights sa Quezon City para igiit ang pagpapabasura sa anti-manggagawa na Herrera Law kasabay ng ika-34 anibersaryo nito. Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), ginawang ligal ng naturang batas ang kontraktwalisasyon na nagbura sa seguridad sa trabaho ng mga manggagawa.

Ang Herrera Law ay isinabatas noong Marso 2, 1989 sa ilalim ng rehimeng Cory Aquino. Ipinangalan ito sa pangunahing nagtulak nito na si Sen. Ernesto Herrera. Si Herrera ay dating tagapangulo ng dilawang Trade Union Congress of the Philippines.

Ayon sa KMU, binigyang-awtoridad ng batas ang pulis at militar na sikilin ang mga welga at pigilan ang mga ito sa pamamagitan ng Assumption of Jurisdiction (AJ), labag sa karapatan ng mga manggagawa.

“Sa pamamagitan ng AJ, nagpatupad ng mga strike ban, humigpit ang mga rekisito para maglunsad ng welga, at nabigyang-daan ang mga pulis at militar na buwagin ang mga welga at unyon sa pagawaan,” pahayag ng KMU.

Paliwanag pa nito, “bagaman ipinagbawal [ng batas] ang labor-only contracting, binigyang-luwag ang iba pang mga porma ng kontraktwalisasyon. Sa esensya, pinaluwag nito ang kakayahan ng mga kapitalista na tumanggap ng mga empleyadong kontraktwal na kailanman ay hindi makakakuha ng regular na sahod at benepisyo.”

Para sa mga manggagawa at unyon, isang malaking “bangungot” ang Herrera Law magpahanggang ngayon. “Laganap pa rin sa buong bansa ang kontraktwalisasyon na nagpapanatili ng barat na sahod at kawalan ng benepisyo. Tumindi rin ang paglabag sa karapatan ng mga manggagawa na mag-unyon, magwelga, at magpahayag,” ayon sa KMU.

Sa Pilipinas, tinatayang nasa 9.4 milyong Pilipino ang nananatiling kontraktwal na mga manggagawa ayon sa datos ng IBON Foundation noong 2018.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/protesta-kontra-herrera-law-inilunsad-ng-mga-manggagawa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.